Binulab0g ang buong mundo sa hindi inaasahang malakas na pagsab0g na naganap sa Beirut, Lebanon na kinasaw1 ng maraming tao at libo-libong nasugatan.
YOU MAY ALSO READ:
Hindi bababa sa 145 katao ang nasawi, at higit 4,000 ang sugatan sa trahedyang dulot umano ng 2,750 tonelada ng ammonium nitrate na nakaimbak sa bodega ng port area sa Beirut.
Ngunit sa kabila ng malakas na pagsab0g ay isang malakas na loob din na ina ang nagsilang sa madilim na delivery room ng hospital matapos maganap ang matinding pagsab0g sa lungsod noong Agosto 4.
Sa video na kuha ni Edmound Khnaisser, makikitang kapapasok pa lang sa delivery room ng kanyang misis na si Emmanuelle nang yanigin ang ospital dulot ng pagsab0g.
Nawasak ang bintana sa mismong kuwarto at sinundan ng pagkaputol ng kuryente.
Kahit ganun ang kaganapan ay naging pursigido ang mga nurses na isinasagawa ang pagpapaanak sa kanyang asawa, gamit lamang ng mga nurse at doktor ang kanilang mga cellphone flashlight.
Sa post ni Edmound, pareho niyang pinuri ang kanyang mag-ina at laking pasasalamat niya sa medical team na hindi nawalan ng loob sa kabila ng nangyari.
“My son George was born under a catostraphic blast! It was crazy! I did not believe we came out alive. My wife is great and Baby George is amazing!” saad ng tatay.
Mensahe naman ni Edmound sa healthcare workers, sa ngalan ng kanyang anak, “‘Thank you for bringing me safely into this world. I hope I can pay you back some day.’”
Talagang nakakak1labot ang nangyaring pagsab0g sa Lebanon, ni minsan ay hindi ito inaasahang mangyari. Kakaiba man ang pasok ng buwan ng Agosto, isa naman itong blessings sa pamilya ni Edmound at Emanuelle.