Noong unang panahon ay marami tayong naririnig na mga kwento mula sa ating mga lolo at lola patungkol sa mga misteryosong lugar na lumulubog at lumilitaw, walang syentipikong basihan, dahil para sa kanila ito ay mga milagrong nangyayari at nababalot ng kahiwagaan.
YOU MAY ALSO READ:
Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.
Ngunit ginulat ang mga tao nitong buwan lamang na sa isang pambihirang pagkakataon, muling lumitaw ang ilang parte ng dating lumubog na bayan sa Pantabangan, Nueva Ecija nitong Linggo, Hunyo 26.
Ang kamangha-manghang insidente, nakuhanan ng larawan ng residenteng si Kashiee Recio.
Kuwento niya, dati raw ay krus lamang ang tanging nakikita nila at ng mga dumadayo sa naturang lugar. Kaya naman laking gulat niya nang bumungad sa kaniya ang lumang sementeryo at dating bantayog ni Dr. Jose Rizal.
Sa isang ulat, sinabi ng Tourism Officer na si Emisonia Gante na inilipat sa isang resettlement area ang mga naninirahan doon dulot ng ginawang dam na magbibigay ng tubig sa lahat ng bukirin sa Gitnang Luzon.
Ito rin aniya ang naging dahilan kung bakit tuluyang lumubog ang lugar noong 1974. Itinuturing ngayon na tourist spot ang lumang bayan bunsod ng angking ganda nito.
Pero dahil sa umiiral na community quarantine ay hindi muna pinapahintulutan ang mga turista na masulyapan ang lumubog na lugar, alang-alang sa kaligtasan at iwas-laganap ng C0VID-19.