May-ari ng Resto,Hinangaan dahil sa Tuloy ang Pasahod sa mga Empleyado Kahit Tigil Operasyon ng Ilang Buwan.

Dahil sa epekto ng pandemya marami sa atin ang tuluyan ng nawalan ng trabaho, dahil na rin sa nalugi na ang kompanyang kanilang pinagtatrabahuan, maswerte na lamang ang iilan sa atin na hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang trabaho.

YOU MAY ALSO READ:

Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.

“Go home, be home” – Isang CEO Hinangaan Matapos Maghayag Ng Open Letter Patungkol Sa Kanyang Mga Empleyado

Kaya hinangaan ang isang restaurant kamakailan lamang at usap-usapan sa social media dahil sa pagmamalasakit na ipinamalas ng may ari sa kanyang mga tauhan. Kinilalang “Sangkap” ang naturang restaurant sa Ermita, sa gitna ng pandemya ay patuloy pa rin na sinusuportahan ng may-ari ang kanyang mga empleyado kahit pa man ilang buwan ng nagtigil operasyon sila.

Ayon sa panayam ni Mariz Umali ng 24 Oras sa may-ari ng kainan na si Maica Tiu, kahit nawalan sila ng kita na ₱35,000-₱40,000 kada araw sa pandemya, hindi pa rin nila pinabayaan ang kanilang mga empleyado na sila lamang din ang inaasahan. “Ang turo sa akin ng mga magulang ko na ‘yung mga empleyado po namin hindi lang po sila empleyado, pero parte din po sila ng pamilya namin dito sa Sangkap,” paliwanag ni Maica. “Kaya po kung ano man po ang mangyari sa kanila ay kargo po namin sila,” dagdag pa niya.

Nang maari nang muling bumalik sa serbisyo, naisipan ng Sangkap na magkaroon ng ilang araw na donation drive para sa mga frontliners. Ito rin ang nagbukas ng oportunidad sa mga empleyado nila na makabalik muli sa trabaho at tuloy pa rin ang kita. Maging ang restaurant mismo ay unti-unti nang nakabangon mula sa ilang buwang sinubok sila ng pandemya. Mula sa ₱2,000 na kita nila nang muli silang magbukas, kumikita na muli sila ngayon ng nasa ₱15,000-₱20,000 kada araw. “Ito po ‘yung bread and butter namin for a very long time. Kaya kung bibitawin namin siya o isasara namin siya, para na din po kaming sumuko sa mga gusto naming marating sa buhay,” pahayag ni Maica.

Sa kabila ng matinding hagupit ng pagsubok na dala ng C0V1D-19, dito pa rin natin nakita ang pagtutulungan ng bawat Pilipino at pagmamalasakit natin sa isa’t isa. Ang ilan, naipakita rin ang diskarte sa buhay na kahit malayo na sa kanilang propesyon ang nahanap na mapapagkakitaan, pinasok pa rin nila alang-ala sa pamilya patuloy na umaasa sa kanila.

Loading...