Lalaki Na Naglalakad Pauwi, Swerteng Nakapulot Ng Suka Ng Balyena Na Nagkakahalaga Ng P25 Milyon

Si Boonyos Tala-Upara ay isang barista sa Koh Samui,Thailand na nasa 44 -anyos. Kwento niya na habang siya ay papauwi noong isang gabi ng hunyo kanyang nakita ang isang bagay na di nya ma wari kung ano ito sa dalampasigan.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Dahil sa wala siyang ideya kung ano ang bagay na ito, nagdesisyon siyang dalhin ito at iuwi sa kanilang bahay. Kinabukasan ay nakalimutan na niya ang tungkol dito.

Bumisita ang kaibigan ni Boonyos sa kanilang bahay at doon lang niya naalala ang tungkol sa bagay na kanyang nakita, halos ilang buwan na pala ang nakalipas. Dahil sa kanyang curiosity, ipinakita din niya ito sa kanyang kaibigan at nagulat sya sa sinabi ng kaibigan niya na maaari daw isang Ambergris ang kanyang napulot, isang sangkap na mahirap hanapin ng mga taga gawa ng pabango.

Ang Ambegris ay ginagamit para mapanatili ang amoy ng mga pabango mula pa ng sinaunang panahon. Ito ay isang sekresyon na nagmumula sa maliit na bituka ng isang Sperm Whale, isang uri ng hayop na malapit ng maubos. Ito ay inilalabas ng mga Sperm Whale upang maproteksyunan ang kanilang saril sa mga matutulis at di matunaw-tunaw na mga tuka ng mga Giant Squid na siyang pagkain nito.

Ang mga Ambergris ay ibat-ibang kulay tulad ng kulay-abo, itim, dilaw o kombinasyon ng mga kulay na ito. Nagpapalutang-lutang sa karagatan ang mga Ambergris hanggang ito ay makalapag sa lupa – mas matagal ang paglalakbay sa karagatan, mas maganda ang kalidad ng Ambergris.

Madalas may mabango itong amoy kung matagal na itong lumabas mula sa tiyan ng Sperm Whale at nagpalangoy-langoy sa karagatan ngunit kasalungat naman ang amoy nito kapag kalalabas pa lamang. Ito ay nagkakahalaga ng isang milyon piso kada kilo.

Nang inspeksyunin ng magkaibigan ang bagay ay naobserbahan nilang madilaw ito at malambot. Kapag ito ay pinaiinitan ay nagiging langis ito at bumabalik sa dati kapag lumamig ulit.

Ayon kay Assistant Professor Thon Thamrongnawasawat, Vice Chancellor ng Faculty of Fisheries sa Kasetsart University na may malaking posibilidad na Ambergris nga ang kanyang natagpuan.

Makakaretiro na raw siya ng maginhawa aniya ni Boonyos.

Loading...