Foreigner na Niloko ng Nagpanggap na Jowa, 8 Taon nang Nagtitinda ng Gulay sa Pinas para Mabuhay.

Aminin man natin o hindi, maraming mga Pinay ang natulungan ng mga banyaga ng sila ay pinakasalan at ginawang legal na asawa, mahihilig kasi kadalasan ang mga banyaga sa mga pinay kahit pa man magkaiba ang lahi. Marami kasing nagsasabing maalaga ang mga Pinay kung kaya’t gustong gusto ng mga ibang lahi.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Subalit di rin maiiwasan na may mga babaeng mapagsamantala at pera lamang ang habol sa mga dayuhang nagkagusto sa kanila.

Tulad na lamang po ng kwento ng buhay ng isang dayuhang kinilala kay Bryan Laurence na nasa 61 taong gulang mula sa New Zealand.

Ibinahagi ni Joy Dondan sa kanyang social media account ang nakakalungkot na karanasan ng banyagang ito na siya namang umantig sa puso ng mga mambabasa.

Sa kasalukuyan si Bryan Laurence ay nakatira sa Kidapawan River Park sa loob ng halos 8 taon. Ayon kay Joy si Bryan ay nagkaroon ng isang Filipina girlfriend na kanyang nakilala sa online sa pamamgitan ng Chat. Para patunayan ang kanyang tunay na nararamdaman, lumipad si Bryan papuntang Pilipinas para makita ito ng personal.

Sa kasawiang palad, habol lang pala ng babae ang kanyang pera, kinuha ng babae ang lahat na pera niya at pinaniwala ito na kanyang ininvest para sa isang itatayong negosyo na hindi naman naisakatuparan. Maliban pa dito, ang kanilang bahay na akala niya ay binili nila, isa lang palang renta.

Ngunit sa kabila ng mga nangyari sa kanya, ang mas matinding nadiskubre niya na ang kanya umanong Nobya ay hindi pala tunay na Babae.

Nang malaman niya ang lahat na katotohanan, biglang nawala nalang ang kanyang GF at hindi na umano ito ma kontak pa.

Sinampahan niya ng kaso ang nobya nito kaso wala na siyang pera kaya hindi rin ito umusad sa korte, sinisi pa niya ang korupsyon sa Gobyerno kung kaya’t natalo siya sa kaso, hanggang na elect si Pres. Duterte at nagbigay sa kanya ng Pag-asa.

Para mabuhay, natuto siyang magtanim ng gulay at magtinda, dahil dito marami na siyang nakilalang mga kaibigan. Ayon sa kanya ‘Wag kaagad sumuko sa mga problema, dahil hindi lamang ikaw ang tao sa mundo na nakararanas nito, God is bigger than your problems, just put your faith and you’ll gonna make through it.

Loading...