Talagang napakalaki ng epekto ng pandemyang kinakaharap ng buong mundo. Kung positibo ka at hindi mo makayanan ay maaaring mawala ka sa mundo na nag-iisa lamang, bawal kang malapitan ng iyong mga kapamilya at abo nalang ang kanilang tanging ala-ala.
YOU MAY ALSO READ:
Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.
Kaya naisipan ng isang anak ng ginang na nagpositibo sa c0vid-19, na akyatin ang mataas na bintana ng ospital para masilayan lamang ang kanyang ina sa mga huling sandali.
Sa report ng Daily Mail, hindi pinayagang bumisita si Jihad Al-Suwaiti sa kanyang inang si Rasma Salama matapos itong isugod sa ospital nang magpositibo sa C0VID-19.
Ngunit hindi raw ito naging hadlang para hindi ito makita at mabisita na mapapanatili ang kanyang kaligtasan– dahil umaakyat siya sa pamamagitan ng drainpipe.
Sa bintanang naghihiwalay sa kanila, naoobserbahan daw ni Jihad ang kalagayan ng kanyang mahal na nanay.
Ayon sa Bored Panda, aalis lang daw sa labas ng bintana ang lalaki kapag nakatulog na ang kanyang ina.
Naospital kasi ito matapos masuring may C0VID-19 habang mayroong leukem1a ilang linggo bago magpositibo sa v1rus.
At nito lang Hulyo 16, binawian ito ng buhay.
Galit at gulat daw ang naramdaman ni Jihad nang malaman ang malungkot na balita ngunit sa huli ay buong-puso niya na raw itong natanggap.