TRENDING: Bagong Kasal Nakalikom ng 629,000 sa Kanilang Prosperity Dance.

Isa sa mga parti ng programa kapag dinadaos ang kasal ay ang tinatawag na “Prosperity Dance” kung saan ang mag-asawa ay sumasayaw at sinasabitan ng pera ng mga bisitang dumalo sa sa kasalan.

Ngunit marami ang nahabag sa laki ng perang naipon ng bagong kasal na umabot sa 629,000, halos sa daming kinakasal ay bihira lang ang mga ganitong pagkakataon na umabot sa kalahating milyon ang kanilang nalikom mula na rin sa mga kamag-anak at bisitang dumalo.

Naging trending ito sa social media at inulan ng maraming komento ng ibinahagi ng isang photographer na si Ernie Piamonte Balili sa kanyang facebook account, nangyari ang kasalan sa Davao City.

Ayon pa sa ibang nagkomento ay bawing-bawi daw ang nagastos ng mag-asawa sa kanilang kasalan, baka nga mas malaki pa ang kanilang nalikom kumpara sa kanilang mga ginastos sa kanilang mahalagang okasyon.

Makikita mismo sa larawan ng groom at bride ang limpak-limpak na perang nakasabit sa kanilang damit na nasa hugis pamaypay pa ang pagkaka-ayos.Mga tig-iisang libo at limang daang perang papel ang karaniwang nakasabit.

Marami talaga ang napa wow at di mapigilang mainggit sa nalikom ng dalawa, kung ganyan din daw ang matatanggap ng lahat ng ikakasal, ay maghahanap na rin daw sila ng kanilang mapapangasawa, pabiro nilang pahayag.

Bihira lang umano ang magkaroon ng galanteng bisita kaya napakaswerte ng mag-asawa, marami rin ang na intriga kung sino-sino nga ba ang mga naging bisita nila sa kanilang kasal.

Ayon sa isang ulat, tradisyon na daw sa pamilya nila ang magkaroon ng malaking pera sa prosperity dance, dahil naniniwala sila na dapat daw ay maginhawa ang kanilang pagsisimula bilang buhay mag-asawa, nasa kanila na lang daw kung paano nila palalaguin ang perang nalikom nila.

Ang prosperity dance ay isa sa tradisyong pinoy para sa bagong kasal at nagsisimbolo ng kaginhawaan para sa kanila sa pagsisimula ng bagong buhay na mag-asawa.

Loading...