Pamilya,Nagdesisyong Initing Muli ang Huling Ulam, 5 yrs ago, na Inihanda ng Kanilang Ina bago Pumanaw.

Isa sa pinakamalungkot na pangyayari sa ating buhay ang mawalan ng taong may malaking bahagi sa ating pagkatao, ang Ina na siyang ilaw ng tahanan, kapag nawala ay sobrang bigat sa mga kapamilya niyang naiwan, tila naging madilim na ang isang masayang tahanan.

Kaya napakahirap tanggapin lalo na kapag naalala mo yung mga bagay na ginagawa niya araw-araw sa inyo, napakahirap mag move-on pero ganyan talaga ang buhay lahat tayo ay pansamantala lamang dito sa mundo.

Ngunit mayroon talagang mga taong sobrang attached sa nawalay nilang mahal sa buhay, kung kaya’t kahit matagal na itong nawala, kapag naalala nila, tila ito’y kahapon lamang nangyari at babalik ulit ang lungkot at sakit.

Kung kaya sa sobrang lungkot ng pamilyang ito mula sa Japan, mayroon silang na preserved na luto ng kanilang Ina, limang taon na ang nakalilipas ng ito ay namahinga na. Ayon sa trendszilla, ang pamilyang ito ay nagpreserved ng stewed pork dish sa kanilang freezer bilang memorabilia sa kanilang pumanaw na Ina.

Si Mizuki, ang babaeng anak sa kanilang pamilya ay binalikan ang isang scenario kung saan ay nag de-decide sila kung ano ang uulamin ng gabing yaon kasama ang kanyang Ina, sa araw din na pumanaw ito. Nakapag desisyon sila na isang stewed pork ang uulamin, pero halos gumuho ang mundo ni Mizuki ng makitang nag collapsed ang kanyang Ina sa kanilang sahig ng araw ding yun.

Dali-dali nilang dinala ang kanyang Ina sa malapit na hospital, pero hindi na umabot ito at binawian na ng buhay, ng umuwi si Mizuki nakita niya ang stewed pork sa kanilang mesa, at dahil sa pagkabigla sa nangyari sa kanyang ina, siya at ang kanyang ama ay nag decide na e preserve ang isang masarap sana na ulam para sa kanilang pamilya.

At dahil sa nangyari, nawalan na ng gana si Mizuki na kumain ng stewed pork ilang taon na rin dahil sa nangyari sa kanilang Ina. At taong 2018, 5 years simula ng nawala ang kanilang ina, kinuha nila ang frozen stewed pork.

Na i-featured naman ang mag-ama sa isang Japanese variety show na Knight Scoop, na kung saan nagbigay tribute sila sa kanyang Ina.

Dahil sa sobrang tagal na pagka freeze ng nasabing dish stewed pork, posibleng ito ay nabulok na kaya dinala ito sa isang laboratoryo upang e-eksamin para sa kaligtasan. Sinigurado din ng chef na lulutuin ito sa mahigit 100 degrees celcius. Basta kinakain daw ito ng kaunti lang, ito ay kino-consider na safe for consumption.

Ang nasabing pagkain ay sa wakas ibinigay sa ama at anak niyang babae at ang kanilang mga mukha ay luminaw dahil sa ganyang pagkakataon muli nilang matitikman ang isang putaheng matagal na nilang hinahanap hanap mula sa kanyang pumanaw na Ina.

Loading...