Hangad ng bawat magulang na bigyang kasiyahan ang kanilang mga anak kahit na ito ay simpleng bagay lamang. Kadalasan sa mga kabataang nasa edad na 1-5 yrs.old, ay gustong magkaroon ng mga laruan, mahilig sa mga pagkaing matatamis tulad ng mga tsokolate at iba pang uri ng kendi.
YOU MAY READ ALSO:
Dating Nagsasahod ng 30 Pesos Lang, Ngayon nasa 1.5 Milyon na kada Buwan dahil sa Larong ML
Ngunit, kamakailan ay may naiulat na bata na binawian ng buhay dahil lamang sa kinaing lollipop. Aksidenteng nalunok ng 2 taong gulang na bata ang lollipop na kanyang nakuha noong nag “Trick or Treat”.
Halos di matanggap ng mga magulang ng bata ang sinapit ng kanilang anak, na di nila inakalang mawawala lamang ito ng dahil sa kendi.
Sa report na isinagawa ng GMA, ipinahayag ng kapitbahay ng batang n4matay na si John Consulta sa kung ano pa ang ibang pangyayari sa nangyaring pagkasawi ng bata.
Saad ni Leopoldo Corsino Jr., ang 2 taong gulang na bata na si Liam Ezekiel ay lumapit sa kaniya pasado 7 ng gabi pagkauwi niya galing sa kaniyang trabaho. Sa paglapit nito, binigyan niya ito ng lollipop na kaniyang nakuha sa ‘Trick or Treat’ event na kaniyang dinaluhan sa Pasay City.
Nang mga panahong din iyon, ang mga magulang ni Liam ay parehong nasa kanilang trabaho. Ang ina ni Liam ay nagtatrabaho bilang isang staff ng isang restaurant habang ang kaniyang ama naman ay isang jeepney driver.
Ilang minuto din daw ang lumipas nang makarinig naman si Leopoldo ng isang bata na umiiyak at nahihirapan na din sa paghinga.
Mabilis naman siya at ng tiyahin ni Liam na umaksyon at pilit tinatanggal ang lollipop na nakabara na sa lalamunan ng bata. Noong una, dinala nila ang bata sa pinakamalapit na clinic sa kanilang lugar at saka nila ito minadaling ipunta sa San Juan De Dios Hospital. Ngunit, si Liam ay d3ad on arrival na pagkadating sa nasabing ospital.
Matapos naman marinig ang balita, mabilis na sumugod ang mga magulang ni Liam dahil hindi pa rin sila makapaniwala sa nakakapanlumong pangyayari na sinapit ng kanilang anak.
Sobrang sakit at pagsisisi ang nadarama ng kanyang mga magulang dahil sa nangyari sa bata, kaya sana daw ay magsilbing aral din ito sa mga magulang na huwag pabayaan ang mga anak na kumakain na walang nagbabantay, ang tinatawag na aksidente ay basta2 nalang nangyayari ng hindi mo namamalayan, ngunit ito ay maaagapan kung ang mga anak ay lubusang matutukan.
Panoorin ang kabuuang video sa ibaba: