Dahil sa kagustuhang magkaroon ng anak na babae ng magkasintahang Staci at James, nagkasundo sila na mag-ampon na lamang, dahil mayroon na silang tatlong anak na puro lalake. Sila ay nakatira sa Weldon Spring, Missouri. Ngunit nakita nila ang isang batang babae na nangangailangan ng magulang at matitirhan mula sa isang ampunan at ito ay si Elliana.
Nasa hindi gaanong mabuting kalagayan ang batang si Elliana dahil mayroon itong hindi magandang kondisyon sa utak kaya naging isang rason din kung bakit marami ang ayaw na pamilya na kumopkop sa kanya, subalit para sa magkasintahang James at Staci , ito ang nakita nilang dahilan kung bakit nila aampunin ang bata.
Nang maampun na nila Staci at James si Elliana sa pamilyang Maneage sa Weldon Springs, napagtanto ng mag-asawa na mayroong pamilyang malapit sakanila na nakatira na nag-ampon din ng isang bata galing Tsina na may pangalan na Kinley. Kung saan ang pitong taong gulang na si Kinley ay may sakit din na kondisyon din sa utak tulad ng kay Elliana na nasa sampung taong gulang na.
Magkalapit bahay lamang ang dalawang Pamilya at iisa pa ang kanilang pinupuntahang simbahan, dahil sa palaging pagkikita ng dalawang pamilya, mabilis na nagkamabutihang loob ang dalawang bata at naging magkaibigan sina Elliana at Kinley.
Kahit na inampon ang dalawang bata sa magkaibang parte ng Tsina ay mapaghahalataan ang pagka-parehas na pisikal na itsura nito. Nagkaroon ng malalim na ugnayan ang dalawang mag-kaibigan na si Staci at Elliana kung saan lalong tumaas ang kuryusidad ng dalawang pamilya tungkol sa dalawang ito.
Napagkasunduan nang dalawang pamilya na ipa DNA testing ang dalawa nilang anak na babae upang makita ang resulta at hindi naman naniniwala ang mga magulang ng dalawang babae na sila’y may relasyon dahil galling ang mga ito sa magkaibang parte ng Tsina at ibang ampunan.
Nang lumabas na ang resulta ng DNA test ng dalawang batang babae na ikinabigla nang dalawang pamilya kung saan lumabas na 99.9% na magkapatid ang dalawa. Hindi makapaniwala ang kanilang pamila na magkapatid si Elliana at Kinley.
Dahil sa nangyarieng ito, naniniwala sila na ang tadhana ay talagang gumagawa ng paraan para pagtagpuin ang dalawang tao. Dahil kahit inampon ng magkaibang pamilya ang magkapatid, nagkita pa rin sila sa iisang lugar lamang.