Marami ngayon ang nagluluksa sa tuluyang pagpapasara ng ABS-CBN Network. Ayon sa kanilang pamamahala mga nasa 11,000 na empleyado ang apektado sa naging desisyon ng kongreso sa hindi pagtanggap ng kanilang franchise renewal.
Ngunit isang dating news anchor mula a Kapamilya Network naman ang nagsariwa sa kanyang naging kapalaran sa nasabing network.
Siya ay si Mel Tiangco na kasalukuyang nasa GMA Network at isa sa magaling na taga hatid ng balita.
Tinanong umano si Mel kung nais ba niyang ibahagi ang kanyang naging karanasan sa kanyang palabas na “Magpakailanman”, at ang kanyang tanging sagot ay, isang ‘episode’ lamang ang kaniyang naiisip tungkol sa kaniyang buhay.
Iyon ay ang mga panahon na sobrang down na down na siya at malungkot dahil sa pagtanggal sa kaniya nang ABS-CBN noon sa trabaho.
“Naku, baka hindi puwede! Kasi yun ang pang-aapi sa akin ng ABS (ABS-CBN, where she had worked in the past), Pero puwede ba yun? Baka idemanda tayo! (I don’t think it can be done! Because it would have to be when ABS-CBN bullied me. Could that be done? They may sue us!), “saad ni Mel Tiangco.
Muling nanariwa kay Mel ang mapait umanong pinagdaanan niya noong tinanggal siya sa ABS-CBN, halos labinwalong taon na ang nakararaan.
“Feeling ko, para akong ipis nun. Alam n’yo naman kung paano ba patayin ang ipis? Di ba, tinatapakan, tapos idiin pa para mapisa nang husto? Ganun ang feeling ko nun,” saad ng news caster.
Matatandaang noong 1995 ay sinuspinde si Mel ng ABS-CBN, without pay, sa programa nitong Mel and Jay, dahil sa paglabas niya sa isang detergent commercial.
Nilabag diumano ni Mel ang isang circular na nagbabawal sa radio and news and current affairs talents ng ABS-CBN na lumabas sa commercial advertisements nang walang pahintulot ng management.
Dahil dito ay nagkaroon ng legal battle sa pagitan ni Mel at ng ABS-CBN, na naging dahilan ng paglipat niya at ng dating co-host na si Jay Sonza sa GMA-7.
Sa kabila ng mga sinasabi niyang pang-aaping dinanas niya, marami naman daw natutunan si Mel, at matagal na raw niyang pinatawad ang mga nasa Kapamilya channel. Hindi naman daw siya nagtanim ng galit dito sa TV network.
Sinabi rin niya na siya ay nagpapasalamat sa broadcasting company dahil sa mga aral na natutunan niya dito na nakapagpalawak naman ng kaniyang kaalaman ukol sa kaniyang trabaho.
Ito ay dahil na rin daw sa mga magagandang blessings na natamo niya matapos siyang lumipat sa GMA-7.