Hindi nga naman perpekto ang tao, minsan may mga ugali tayong mabilis makapanghusga sa ating kapwa, ito ay base lamang sa kanilang pisikal na kaanyuan at hindi natin lubusang alam ang kanilang mga buhay at karanasan.
YOU MAY ALSO READ:
Ginang, Naipit ang Ulo sa Gate ng Kapitbahay dahil sa Kagustuhang Maka Sagap ng Chismis.
Mag-Ingat po! Buong Pamilya Nalason Umano Pagkatapos Kumain ng Itlog na Maalat .
Inisyal na reaksyon lang naman ng tao ang makasabi ng hindi maganda sa kanyang makikita. Maraming mga tao na hindi mahilig sa mga magagarang palamuti at pormahan pero ubod pala ng yaman, mayroon namang sobrang yabang pero walang laman ang tiyan.
Isang halimbawa nito ay ang nangyari kamakailan lamang na ang isang matandang lalaki ay hinusgahan ng mga nakakita sa kanya dahil sa marumi nitong kasuotan. Masakit sa dibdib na naging iba ang pananaw ng mga tao sa kanyang paligid habang siya ay nasa isang pawnshop, akala kasi nila isa itong pulubi at manghihingi na naman ng limos sa kanila. Nahalata siguro ng matandang lalaki na kakaiba ang tingin sa kanya ng mga tao kaya siya ay tumayo at pumirmi sa isang sulok ng nasabing pawnshop.
Lingid sa kaalaman ng mga customer na ito na mga mapanghusga at mapangutya na ang matanda ay isa rin sa kanila na magpapadal ng pera para sa naghihintay niyang pamilya. Nang malaman ng mga tao duon, nakaramdam naman sila ng hiya dahil sa mali nilang akala.
Nagsusumikap ang matandang lalaki para ma suportahan niya ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang katandaan kahit hirap na ay pilit kinakaya para maibigay ang pangangailangan ng Pamilya.
Nakaka proud ang ganitong uri ng Ama, dahil hindi lahat ng ama ay ganyan ka responsable sa kanilang pamilya. Saludo po kami sa inyo tay!