Matandang Foreigner na Nakatira sa barong-barong, Hinihinalang Pinerahan ng Pinay at Iniwan.

Napakahirap naman talaga ang mamuhay ng mag-isa, kaya nga may kasabihang “No man is an Island” kaya kinailangan nating may makasama sa ating buhay.

Kaya aminadong mahirap din ang dinaranas ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Ganun din naman ang mga banyaga na pumupunta sa ating bansa, kung tayo nga ay hirap mamuhay dito paano pa kaya sila na wala silang kamag-anak dito.

Katulad na lamang ng isang matandang foreigner na minsang nasilayan ng ilan nating mga kababayan. Ang matandang foreigner na ito ay makikitang nakatira lamang sa isang barong barong. Walang kasama, halos walang makain at di alam ang kaniyang gagawin.

Wala namang ideya ang ilang mga netizens sa naging buhay ng dayuhan kung bakit siya ngayon ay nasa ganitong sitwasyon.

Marami ang nakaramdam ng awa sa kalagayan ng matandang foreigner, ayon sa iba baka ito raw ay nagkaroon ng isang karelasyong pinay at ginamit lamang ang matanda,kinuha ang kanyang pera at tuluyan ng pinabayaan. Talaga naman kasing talamak ang mga ganyang sitwasyon at isa rin itong realidad na nangyayari sa bansa.

Ibinahagi ni Solyn Calderon ang kanyang naging sitwasyon. Ang nasabing matandang foreigner ay makikitang nahihirapan, ni hindi mapagkasya ang itaas na parte ng kaniyang katawan sa kaniyang hinihigaang kama.

Sa larawan makikita mismo na napakaliit ng barong-barong at walang espasyo sa loob, hindi siya makagalaw man lang ng maayos at makatayo sa loob nito.

Walang makikitang gamit sa loob ng kanyang tirahan, tanging mga parang patapon na kahon at higaan ang mayroon siya.

Marami ang naawa sa kanyang naging sitwasyon at sana daw ay matulungan man lang ito ng karapatdapat na ahensiya para makabalik sa kung saan man siya nagmula.

Loading...