Isang post mula sa netizen na kinilalang si Peng Contreras Carpo ang nagtrending patungkol sa isang matanda na kanilang nakasabay sa pampasaherong jeep.
YOU MAY ALSO READ:
Ginang, Naipit ang Ulo sa Gate ng Kapitbahay dahil sa Kagustuhang Maka Sagap ng Chismis.
Mag-Ingat po! Buong Pamilya Nalason Umano Pagkatapos Kumain ng Itlog na Maalat .
Ayon kay Peng, nagrereklamo umano ang mga nakasabay nilang ibang pasahero dahil sa hindi magandang amoy na nagmumula sa matandang lalake.
Dahil sa mga hinaing ng pasahero, napansin naman ito ng driver kaya gumawa siya ng aksyon, pilit niyang pinapababa ang matanda subalit sa awa ni Peng ay pinigilan nya ito at inako na siya ang magbabayad ng pamasahe ng matanda.
Si Tatay Bert pala ang nasabing matanda, kanya namang isinalaysay ang nangyari sa kanya na halos isang linggo na raw siyang walang linggo, humingi naman siya ng dispensa sa kanyang mga nakasabay sa Jeep.
Dahil daw sa kanyang edad ay wala ng tumanggap sa kanya na magtrabaho kaya napilitan siyang mamalimos. Ipinakita pa niya ang laman ng kanyang bag na mga damit at pagkain na dadalhin sa kanyang pamilya.
Ang mas nakakalungkot ay may sakit pa pala ang kanyang misis na nangangailangan ng gamot, nang marinig naman ng mga pasahero ang kanyang salaysay ay halos lamunin daw ito ng hiya sa pangugutyang ginawa nila sa matanda.
Si Peng naman ay pinipigilang matulo ang luha dahil sa dinaranas ng matanda. Kaya naisipang e post ito ni Peng sa social media para magbigay awareness sa iba na baka maulit ang ganitong pangyayari, wag husgahan kaagad ang taong ating nakikita , wala pang 24 oras ay marami na ang nagbigay ng reaksyon nila sa post ni Peng.
Narito ang ilan sa kanilang reaksyon:
“Mas mbaho ang mga taong nanghuhusga ng kapwa….alamin nyo muna ang mga reason behind bgo kyo manghusga..godbless tatang…”
“wahhhh habang binabasa ko naiiyak aq ang lolo ko at tito ko dating basurero” “God Bless Sayo Bro At God Bless din kay Tatay”
“Wag tayong mag husga agad sa mga taong dipa natin kilala dapat intindihin nalang natin si tatAy at dapat bago kayo mag husga tanungin nyo muna”