-Limang miyembro ng Pamilya ang nalason matapos kumain ng itlog na maalat.
-Binili umano nila ang itlog sa kanila mismong kapitbahay, at kinain ito ng mga sumunod na araw.
-Ayon sa mga bikt1ma, nakaramdam umano sila ng pananakit ng tiyan matapos kumain nito.
-Sa nagtitinda naman, aminado siyang hindi nagmula sa itlog na maalat ang kanilang pagkalason dahil sila mismo ay nakakain din nito.
Maraming netizen ang nabahala ng mabasa ang isang balita patungkol sa limang miyembro ng pamilya na di umanoy nalason dahil sa kinaing itlog na maalat. Marami kasing kababayan natin ang mahilig din sa ganitong uri ng itlog, kaya medyu natakot na rin ang ilan dahil baka nga mangyari din ito sa kanila.
Ayon sa ulat ng GMA sa “Unang Balita”, ang mga biktima umano ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagtatae matapos makakain ng itlog.
Pero depensa naman ng kanilang nabilhan ay malabong mula sa itlog ang kanilang pagkalason, dahil sila mismo ay kumain din nito.
Nalaman naman mula sa isang na biktima na maliban pala sa itlog ay may nakain din silang tinola na isda na hindi na masyadong preska.
Ayon naman sa Provincial Helath Office, kung Itlog na maalat ang pinagmulan nito, posibleng na contaminate ito ng salmonella bacteria.
Kapag kasi patungkol sa pagkain yung tinitinda, dapat ma siguro ng mga seller na nasa mataas na kalidad yung kanilang paninda, dapat ito yung kanilang panatilihin lalo pa ngayong may kinakaharap na pandemya ang mundo.