Naging matunog ang pangalan ng aktres na si Angel Locsin dahil sa daming naitulong nito sa bansa laban sa patuloy na paglaganap ng c0vid-19 sa buong bansa.
Muling pinatunayan ng aktres na kaya niyang gawin ang lahat para mabigyan ng tulong ang mga taong hikahos sa kanilang pamumuhay.
Lahat, ay halos apektado rin sa pandemyang kinakaharap ng bansa at isa na dun ay ang mga kababayan nating jeepney driver ng maipatupad ang community quarantine. Napahinto sila sa pagbabyahe hanggang ngayon at di rin alam kung kailan pa muling makasimulang mamasada dahil sila ang prone sa ganitong pandemya.Dahil sa wala na silang makitang paraan para matugunan ang kanilang mga pangangailangan ay namamalimos na lamang ang ilan sa kanila, at ang ilan ay naninirahan na rin sa kanilang mga pinapasadang sasakyan dahil sa kawalang pambayad din ng renta.
Sa nagdaang episode ng bagong show ng Aktres na si Angel Locsin na “Iba Yan” mapapanuod doon na ang aktres ay nagbigay ng tulong sa mag-asawang naninirahan sa isang jeep nung magsimula pa ang lockdown sa Metro Manila.
Ang mag-asawang ito ay sina Tatay Jimmy at Nanay Emilia, hindi daw sila nakabalik sa kanilang bahay sa Rizal dahil sa lockdown, kaya wala silang ibang choice kundi ang manatili sa kanilang jeep hanggang e lift ng pamahalaan ang quarantine restrictions.
Ayon kay Tatay Jimmy, ang kanilang bahay sa Rizal ay wala man lang daw upuan at higaan. Mayroon lamang silang mga naiwan doong mga durabox, mga plato,at kakaunting gamit sa kusina.
Pagkatapos malaman ni Angel Locsin ang naging kalagayan ng mag-asawa ay kaagad ginawan niya ito ng aksyon at nag desisyong ipagawa ang bahay. Bumili din siya ng mga furnitures katulad ng kama, dining table, upuan at iba pa. Pinapinturahan din ni Angel ang kanilang bahay. Maliban duon ay binigyan pa sila ng aktres ng kanilang pang hanap-buhay na sari-sari store habang wala pang pasada si Tatay Jimmy.
Tatay JIMMY: “Excited dahil makakatulog ako sa bahay ko… hindi kagaya diyan… kapag pagdilat mo, bubong ng jeep…” Sa kanilang pag-uwi ay hindi naman nila inakala na maayos na ang kanilang bahay na walang upuan at higaan dati. Nagdagdag rin ng sorpresa na sari-sari store ang #IbaYan team
Bago sila lumipat sa kanilang tahanan ay nagpaalam pa sila sa iba nilang kasamahan na Jeepney driver at nagbigay ng paalala na wag mawalan ng pag-asa.
Nang makarating na si Tatay Jimmy at Nanay Emilia sa kanilang dating tahanan, di sila makapaniwala sa kanilang nasaksihang malaking pagbabago noong iniwan nila ito, sobrang ganda at kompleto pa sa mga kagamitan.
Hindi napigilan ng mag-asawa ang maiyak dahil sa kaligayahan at kagalakan dahil makakapahinga na sila ng maayos at komportable, malaking pasasalamat naman ang kanilang ipinakita sa lahat ng tulong ni Angel Locsin sa kanila.