Lalaki, May Malaking Jackpot na Natagpuan sa Biniling 2nd Hand na Kotse.

Maituturing nga bang swerte ang nangyari sa lalaking ito? kung ikaw kaya sa kanyang kalagayan, ano ang gagawin mo sa perang nakita mo?

Marami sa ngayon ang mas kinahihiligan ang bumili ng mga second hand na sasakyan kasi mas mura ito at maganda rin naman, kung money wise, mas magandang bumili ng mga ganitong uri ng sasakyan dahil mura at pagkalipas ng ilang taon ay pwede mo namang palitan kapag na fully depreciate na.

Kaya may binili ang isang lalaking ito na 2nd hand na sasakyan at tila malaking jackpot ang kanyang nakita sa loob ng sasakyan.Limpak-limpak na pera ang kanyang natagpuan.

Matapos niya mabili ang kotse ay tinest niya ang mga parti nito at medyo may sira na sa power window ng sasakyan, kaya plano niyang dalhin sa isang mekaniko para mapaayos ang sira, pero bago pa man niya dinala ay tiningnan niya muna kung pwede niya maayos ang nasirang parti.

 

Unti-unti niyang kinalas ang door panel at dahan-dahang tinanggal ang plastic liner na nagpoprotekta sa loob ng pinto. Ngunit nagulat siya ng may nakitang misteryosong itim na bag na nakasiksik sa gilid ng door frame. Baka ito din daw ang rason kung kaya’t ayaw gumana ng kanyang power window.

Nakaramdam siya ng kaba kung kaya’t ninais niyang buksan at alamin ang laman ng itim na bag. Puno ang bag ng mga kung ano-anong nakabalot na bagay kaya di niya rin alam paano nagkasya sa gilid ng pintuan.

Matapos buksan ang bag ay inisa-isa niyang inilabas ang laman nito na parang hugis bricks at balot na balot pa sa duct tape. Nang kanya ng tinanggal ay nagulat siya na bumungad ang limpak-limpak na salapi.

Bawat balot ay naglalaman ng bundles na pera na may iba’t ibang denominasyon, di na niya binaggit kung magkano lahat ng kanyang nakita para na rin daw sa kanyang kaligtasan.

Nagmula pala sa isang police-confiscated vehicle ang perang kanyang nakita kaya mas ginusto niyang hindi na makilala pa.

Halos naibalik lang pala sa kanya ang perang kanyang pinambili ng sasakyan. Tama kaya ang kanyang ginawa? ano po sa tingin nyo?

Loading...