Kontrabida Aktor na si Dindo Arroyo, Iba na Pala ang Kalagayan Ngayon.

Walang bida kapag walang kontrabida, yan ang mga mahahalagang papel sa isang pelikula. Sila ang nagdadala ng buong storya ,upang maihatid sa mga manunuod o mambabasa at mga taga-pakinig ng buod ng isang estorya.

Kaya isa sa mga kilalang kontrabida noong kapanahunan pa ng inyong mga lolo ay ang batikang aktor na si Dindo Arroyo. Sa galing nitong gumanap bilang papel na kontrabida ay umabot na sa mahigit isang daang pelikula ang nagampanan.

Naging mahirap din noon ang kanilang pamumuhay, ang kanyang pamilya noon ay nagmamay-ari ng isang paupahan, kaya’t may umupa sa kanila na taga viva films, habang siya ay naniningil daw ng paupa sa isang shooting , namataan siya ng aktor na si Philip Salvador, at yun ang simula ng inalok siyang mag-artista. Sino nga ba naman ang hindi gustong maging isang artista?

Ngunit pinayuhan muna siya ni Philip Salvador na magpahaba ng buhok at mag-aral ng taekwondo. Kinalaunan naging alalay siya ni Eddie Garcia sa pelikulang “Ikasa mo, Ipuputok ko” noong taong 1990.

Dahil sa kanyang pinakitang kahusayan nakatampok niya ang “Magic 5” ng pelikulang pang action na sina, Philip Salvador, Lito Lapid, Bong Revilla, Rudy Fernandez, at Fernando Poe Jr.

Samantala sa ngayon, mas pinili ng aktor ang mamuhay ng simple kung kaya’t nakapagdesisyon siyang mag quit sa pag arte. Taong 2014 ay inoperahan siya sa kanyang atay, dahil parang nasa stage 4 liver cncer ang findings ng doctor sa kanya.

Sa ngayon ay unit-unti namang nanunumbalik ang sigla at lakas ng aktor sa tulong ng operasyon at herbal medicine.Na miss niya na rin daw ang pag-arte dahil na rin sa kanyang mga taga suporta na walang tigil na andyan para sa kanya.

Loading...