Ka-Kakasal lang ng Mag-asawa ay Naghiwalay Kaagad. Misis Kakasuhan si Mister .

Naging laman ng usap-usapan sa social media ang kwento ng buhay ni Mona Pilapil patungkol sa hiwalayan nito sa kanyang asawa.

Sikat ang programa ni Raffy Tulfo dahil sa dami ng natulungan nito hinggil sa mga problemang pampamilya at mga OFW.

Kaya nag desisyong dumulog kay Raffy Tulfo si Mona Pilapil upang ireklamo ang naglokong mister na si Benjie Pilapil.

Ayon sa interview, nito lamang Marso 9 ng kasalukuyang taon ikinasal si Mona at Benjie at isang linggo lamang makalipas ang seremonya ay nagloko na raw ang lalaki.

Dahil sa kasagsagan ng Community Quarantine na pinapairal naman sa buong bansa. Nagpaalam daw kay Mona itong si Mister na mag-stay in sa ka-trabaho at bawal lumabas dahil nga striktong pinapatupad ito.

Ngunit nalaman ng misis na ang tinuluyan pala ng mister ay ang sinasabing kabit nito. Pinangalan ni Mona ang kabit nito na si Sarah Ramos.

Nang mabigyan ng pagkakataon na ma-interview si Benjie, nakipaghiwalay na raw ito sa kanyang misis ngunit masama pa rin ang loob nito lalo na at basta na lamang siyang iniwan nito.

Ang gusto mong mangyari maghiwalay tayo na parang mag-jowa lang, kasal tayo Benjie!” saad ni Mona nang sila ay makapag-usap.

Pilit na itinatanggi pa rin ni Benjie ang pakiki-apid na inaakusa sa kanya ng misis sa kabila ng mga ebidensyang nakalap nito.

Maging si Sarah ay itinatangging may relasyon sila at tila nagmamataas pa rin base sa obserbasyon ni Tulfo.

Ang pinakamatinding ebidensya dito ay ang maging ang tiya at mismong ina ni Benjie ang nagkumpirma sa relasyon nito kay Sarah.

Dahil dito buo ang desisyon ni Mona na sampahan ng kaso ang mister at ang sinasabing kalaguyo nito.

Umusad sana ang kaso at ng may masampolan din naman.

 

Loading...