Jinkee Pacquiao, Labis ang Sayang Nadarama Habang Binabalikan ang Lugar nila Noon Sakay sa Kariton.

Ayon nga sa kasabihan ng mga matatanda, palaging lumingon sa pinanggalingan, upang makarating sa paruruonan. Isang kilalang personalidad ngayon ang pamilya ng Boxing Champ at Senador na si Manny Pacquiao.

 

YOU MAY READ ALSO:

Nag Ampon Sila ng Bata Mula sa Tsina, Ngunit Nagtaka Sila Nang May Makitang Pamilyar Na Mukha Sa Kapitbahay

Dating Nagsasahod ng 30 Pesos Lang, Ngayon nasa 1.5 Milyon na kada Buwan dahil sa Larong ML

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Naging usap-usapan ang mapagbigay at matulunging pag-uugali ng Senador at gayundin ang kanyang Pamilya. Minsan di maiiwasan ay may mga problema ring napagdadaanan.

Ngunit kahit gaano pa man kalaki ang kanilang mga problemang kinakaharap, ito ay kanila namang nasosolusyunan.

Talaga nga namang kahit saan tayo mapadpad ng tadhana, ay hahanapin pa rin natin at babalikan ang lugar na ating kinamulatan at kinagisnan. Maraming mga ala-ala ang ating nababalikan, masasaya o malulungkot man.

Katulad ng asawa ni Sen. Manny na si Jinkee kung saan napalapit na sa puso niya ang Saranggani, ayon sa kanya , ito ang lugar kung saan maraming mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay simula noong nag-aaral pa siya hanggat makilala ang kanyang asawa at makabuo ng pamilya.

Mga masasayang bonding moment ng kanyang ama sa bukid ay kanya ring sinariwa.

“Ang Kariton” (bow) Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakabalik ulit ako sa lugar kung saan kami nakatira nung bata pa ako, kung saan ako lumaki at nag-aral ng elementarya. Ang saya saya lang balikan ang nakaraan kung saan sumasakay kami ng kariton noon.”

“Sinasama kami noon papunta sa bukid sa niyugan ng tatay ko sakay ng kariton at ngayon masaya ako na ma experience ulit na sumakay kasama ang mga anak ko.” Pagsalaysay at kwento ni Jinkee.

Kasama naman niya ang kaniyang mga anak na sina Princess at Queenie sa pagsakay sa kalabaw. Kanila namang ibabahagi sa Youtube Channel ang kanilang pamamasyal.

Sobrang saya ni Jinkee na sa wakas ay nakabalik siya sa lugar na kanyang kinalakihan, isang simpleng buhay sa bayan ng Saranggani, dahil sa kanilang sipag at tiyaga na mag-asawa kaya ngayon ay nagtagumpay na sila sa kanilang buhay, ang maganda pa nito ay marunong silang lumingon sa kanilang pinagmulan.

Loading...