Nakakabilib ang ipinakitang paglalambing ng isang penguin sa lalaking sumagip sa buhay nito. Sino nga ba ang mag-aakalang ang mga hayop na ito ay mayroon din palang damdamin at marunong tumanaw ng utang na loob.
Nakakagalak ang pinakitang aksyon ng isang penguin, dahil hindi ito pangkaraniwang ginagawa ng mga hayop, karaniwang aso at pusa lang ang mga hayop na binibigyang pansin.
Taong 2011 nang magtagpo ang penguin at ang lalaking si Joao Pereira de Souza na edad 73 na ngayon.
Ayon sa post ng Goodtimes, nakita ni Joao na nakikipaglaban para mabuhay ang naturang penguin sa dagat. Nababalutan ito ng makapal at kulay itim na langis.
Dahil dito, naawa si Joao at iniligtas ang penguin. Iniuwi niya ito at nilinisan. Inalagaan niya rin ito hanggang sa gumaling.
Ng maglakas na at kaya na ng penguin ay muli siyang ibinalik ni Joao sa dagat.
Subalit di akalain ni Joao na ang pagliligtas na ginawa palang niya sa penguin ay hudyat ng isang panghabam-buhay na pagkakaibigan.
Makalipas ang isang taon, bumalik ang penguin para bisitahin si Joao. Bumalik pa nga ito sa mismong tahanan niya.
Simula noon, naglalakbay taun taon ang penguin na ito nang halos 8,047 kilometro para makitang muli si Joao, ang taong nagbigay nagdugtong ng buhay niya.
Napamahal na din naman kay Joao ang penguin na ito anupat pinangalanan niya itong “Dindim”.
Kada taon, nananatili si Dindim ng 8 buwan sa piling ng matandang si Joao. Makalipas nito, kailangan na muling maglakbay ni Dindim patungong Argentina at Chile para sa breeding season.
Parang sa mga pelikula lamang, pero ang relasyong ito sa pagitan ng isang hayop-dagat at tao ay totoong pangyayari gaya ng makikita sa larawang ibinahagi ng Goodtimes.