“No man is an island” ayon nga sa kasabihan, kasi ang tao ay nabubuhay na mayroong mga kapamilya at kaibigan na siyang kanilang naging inspirasyon at sandigan upang maging mabuting indibidwal.
YOU MAY ALSO READ:
7-anyos na Bata, Pumanaw Matapos Kumain ng Fried Chicken na Inorder Online
Cebu Town Mayor’s Testimony: CoVID-19 Walang Laban sa “TUOB” o Steam Therapy
Wala naman sigurong tao na walang kaibigan dito sa mundo, masarap magkaroon ng kaibigan na iyong katuwang sa mga problema, pero ang pagdepende naman sa kanila ay mayroong limitasyon. Huwag naman sanang pagsamantalahan ang magandang relasyon sa inyong mga kaibigan.
Kamakailan kasi ay may nag trending na chat conversation at talagang umagaw pansin sa mga netizens sa online world.
May mga larawan ng isang pag-uusap na nagmula kina Ikade Abadiano at sa kaibigan nitong si Ray John.
Ang unang nagpadala ng mensahe ay si Ray John. Sabi niya, “Pre,mzta? “ hanggang sa ang usapan nila ay naging tuloy tuloy na.
Noong una, kinukumusta ni Ray si Ikade at nagvolunteer na maging Ninong siya ng baby ni Ikade na malapit ng binyagan. Walang ano ano ay tinanggap naman ni Ikade ang offer ng kanyang kaibigan na maging ninong.
Matapos ioffer ang sarili na maging ninong ay bigla nalang itong nangutang ng tumataginting na 7k o Pitong Libo dahil sa malapit na ang kaarawan ng kanyang nobya. Babayaran naman daw niya ito kapag nagkatrabaho na siya.
Doon na nagduda si Ikade dahil may kapalit pala ang pagiging ninong nya sa kanyang anak.
Ang sabi ni Ikade ay wala daw siyang maipapahiram sa ngayon dahil mas prayoridad nya ngayon ang bumili ng gatas at diaper ng kanyang anak. Tumawad pa nga si Ray na kahit 5k nalang daw ang hihiramin nya dahil gusto niya daw igala ang kanyang nobya sa Enchanted Kingdom.
Wala talagang maipahiram si Ikade at sinabi nya na 1k lang ang kaya niyang ibigay, sumagot naman si Ray na “1k pre, pangmeryenda lang namin yun “. At doon nya na din sinabi na“Damot mo naman pre, porke may trabaho ka.”na kinainisan naman ni Ikade.
Dagdag pa ni Ray na ayaw niya na daw mag ninong. Doon na nag usok ang damdamin ni Ikade at naungkat nya ang mga iba pang inutang ni Ray na 12k sa kanya na binaon na sa limot.
Ang post na ito ay mayroon ng part2 na kung saan ay naglit na din ang nanay at nobya ni Ray.
Talaga ngang may mga taong may talento sa hiraman pero walang talento sa paghanap ng trabaho at igala-gala man lang. Maraming netizens ang nagreak sa pinamalas na ugali nitong kaibigan ni Ikade, sana ay makaramdam din nga hiya ang mga ganitong uri ng tao.