Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Masarap mangarap, kahit bata pa man ay mayroon ng mga nais marating sa kanilang buhay. Ngunit dala ng kahirapan , marami ang hindi kayang abutin ang kanilang ninanais sa buhay.

YOU MAY ALSO READ:

Ginang, Naipit ang Ulo sa Gate ng Kapitbahay dahil sa Kagustuhang Maka Sagap ng Chismis.

Mag-Ingat po! Buong Pamilya Nalason Umano Pagkatapos Kumain ng Itlog na Maalat .

Isang Inang May Sakit, Natagpuan sa Ilalim ng Lababo matapos Iniwan ng mga Anak at Naglipat ng Bahay.

Subalit minsan may mga pagkakataong di mo inaasahan na siya pala ang magdadala sa iyo sa kaginhawaan. Sabi nga ng matatanda” Magtanim ka ng kabutihan at aani ka ng kabutihan mula sa iyong kapwa”.

Kahit gaano pa man kahirap ang ating buhay, wag nating gawin ang mga labag sa batas, bagkus gumawa tayo ng mabuti sa araw-araw. Katulad na lamang ng isang lalaki na ito na kinilala bilang si Woralop na nasa 45 taong gulang, walang sariling tahanan at wala ring trabaho.

Ayon sa kwento ni Woralop, habang naglalakad daw siya isang araw, ay biglang nalaglag ang pitaka ng lalaki sa kaniyang unahan, nang kanya itong pinulot at tiningnan ay nabigla siya sa laman. May laman ang pitaka na nasa 20,000 baht o higit kumulang nasa 30,000 pesos.

Kahit gipit na gipit na siya dahil wala nga siyang trabaho, di niya inisip na kunin ang pera bagkus hinabol niya yung lalaki, kaso ay hindi na niya naabutan. Napag-isipan niyang dumiretso na lang sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya at isauli ang pitaka. Hindi nagtagal ay na kontak na rin ang may-ari at pumunta sa estasyon, siya pala ay isang negosyante at nagmamay-ari ng kompanya ng bakal sa Thailand na si Nitty Pongkriangyos. Natuwa ang lalaki sa katapatang pinamalas ni Woralop, ng malaman niyang walang trabaho ang lalaki ay agad niyang kinuha ito sa kanyang kompanya.

Maliban sa trabaho ay binigyan din si Woralop ng kwarto sa employee hostel ni Nitty at binilhan ng gamit ng nobya ni Nitty na si Tarika Patty.

Isa itong patunay na ang taong gumagawa ng mabuti ay mag-aani rin ng kabutihan mula sa kapwa. Napakagandda ng kwento ni Woralop at isang inspirasyon sa mga Pilipino at kabataan sa ngayon.

Kaya ang paggawa ng mabuti ay wala na mang puhunan, at mag-aani ka pa ng mabuting kaibigan.

Loading...