Hinirang na “Most Beautiful Girl In The World” Pinamangha ang mga Netizens sa Taglay nitong Ganda.

Ang pagiging maganda ay hindi lamang naka base sa pisikal na kaanyu-an ng tao, ito ay naka depende rin sa bawat pananaw ng isa’t-isa, maaaring maganda siya sa iyong paningin ngunit taliwas naman sa opinyon ng iba.

Mayroon tayong iba’t-ibang batayan kung paano masasabing ang isang tao ay maganda, hindi dahil sa maputi ito, matangkad at maayos ang buhok.

Halimbawa na lamang ang batang ito mula sa Nigeria, ang kanyang unique na itsura kumpara sa ibang tao ang siyang nagpatanyag sa kanya at hinirang bilang “the most beautiful girl int he world”.

Ang batang ito ay si Jare Ijalana.

Ayon sa report ng MSN, nagulat na lamang ang pamilyang Ijalana nang makita nila ang larawan ng kanilang 5, 7, at 9 taong gulang na mga anak na babae na naging trending sa socmed noong 2018.

Marami sa mga netizens ang humanga sa angking ganda na taglay ng magkakapatid.

Nagulat din ang pamilya nang malaman na ang 5-taong gulang na anak na si Jare ay tinagurian bilang ‘most beautiful girl in the world’ matapos kumalat ang kaniyang larawan sa internet.

Naging instant celebrities kaagad sila ng mag viral ang kanilang litrato sa online world. Sumabak na rin sa modeling itong si Jare makalipas ang dalawang taon ng madiskubre siya dahil sa kakaibang taglay nitong ganda.

Kamakailan lamang nga ay dumalo siya sa London Fashion Week at naglakad sa runway kasama pa ang ibang models.

Sa IG account nilang magkakapatid, proud na proud na ibinahagi ni Jare ang panibagong milestone na nangyari sa kaniyang buhay.

Dahil sa mga natanggap na achievement ni Jare, mas pinag-igihan pa niya at inalagaan ang kanyang karera kaya hanggang ngayon sumasabak pa rin siya sa pag mo-model.

Andyan naman ang kanyang mga magulang na todo suporta sa karerang tinatahak ng kanilang anak na si Jare at mga netizens na nagsusuporta sa kanya, dahil daw nababagay talaga si Jare sa ganyang karera.

Loading...