Ginang, Naipit ang Ulo sa Gate ng Kapitbahay dahil sa Kagustuhang Maka Sagap ng Chismis.

Marami na ang na wasak na relasyong magkaibigan dahil sa isang pinagmulan, ito ay ang pakikipag chismisan. Bagama’t hindi naman lahat ng tsismis ay pawang mali, mayroon namang katotohanan ang ilan sa mga ito. Ngunit dapat responsable ang taong magpalabas ng anu mang detalye tungkol sa isang tao, lalo pa’t kung ito ay pwedeng ika-sira at ikapahamak ng buhay nito.

Ang literal na pinoy tsismisan ay parang masama sa pandinig, dahil kapag narining mo ang salitang tsismis, pumapasok agad sa isipan mo na pinag-uusapan nila ang maling nagawa ng buhay ng isang tao. Pinapahiya at kinakalat ito sa mga kakilala nilang tao.

Ngunit, minsan nakikipagkwentuhan din tayo sa ating mga kapitbahay dahil walang magawa at para makilala rin ang mga taong nasa paligid natin.

Pero isang nakakatuwa at nakakaawang larawan ang nagtrending sa social media matapos na maipit ang ulo ng babae dahil gustong maka sagap ng chismis sa isang kapitbahay, ibinahagi ito sa Radio La Roca FM 103.9.

Ayon sa ulat tumagal daw na naipit ang ulo ng babae ng limang oras bago ito makuha, makikita ring medyu natawa ang mga tao sa sinapit nito dahil hindi naman yata naging tama ang kanyang ginawa.

Pumunta lamang daw siya ay para tignan lamang ang kaibigan nito. Hindi naman nailahad kung ano ba ang tunay na pakay nito sa kaibigan.

Inulan ng komento ang nasabing trending photo, marami ang natawa at nagsabing, “Karma”, buti nga sayo, bagay yan sayo teh,”.

Kawawa nga naman siya pero hindi naman dapat umabot na kailangan niyang gawin iyon para lang makita ang kaibigan.

Kaya wag po natin itong sundin, maging aral din po sana ito sa atin.

Loading...