Di niya inakala na ang pinakasalan niya ay ang batang ninakawan nya ng halik 30 years ago

Naniniwala ka ba sa salitang “Tadhana”? na kung saan ang dalawang tao ay nakalaan sa isa’t isa at pinagtagpo ng panahon sa kabila man ng pagsubok?

Marami naman ang hindi naniniwala dito dahil tayo daw ang kusang gumagawa ng sarili nating mga tadhana, kung gusto natin dapat nating gawan ng paraan at ipaglaban, dahil hindi daw ito kusang darating lang sa ating mga kamay ng hindi tayo gumagawa ng paraan.

Ano pa man ang iyong paniniwala sa buhay ay wala namang karapatan ang sinuman na husgahan ito, kaya tulad ng kwento ng buhay pag-ibig na mag-asawang ito, totoo kayang nakatadhana silang dalawa na maging mag asawa?

Biglang naging trending sa social media ang isang lumang larawan na makikitang hinahalikan ng batang lalaki ang batang babae sa tabi ng kalsada.

Napag-alaman na ang dalawang batang ito noon ay pinagtagpo ng tadhana at ngayon ay isa ng ganap ng mag-asawa.

Pagkalipas ng tatlumpong taon ang dalawang batang ito ay pinagtagpo ng tadhana at nagkakilala hanggang sa magkahulugan ng loob at nauwi sa isang pagmamahalan na pinagtibay pa ng kanilang kasal.

Ibinahagi ng isang netizen na si Barbie Atienza sa kanyang social media account ang pag-iibigan ng dalawa at agad naman itong pinagusapan sa mundo ng internet dahil sa napaka-cute na kwento ng kanilang pagiibigan.

Narito ang kanyang post:

“30 years ago this boy casually walked up to this little girl somewhere in Baguio, and kissed her on the forehead and then ran away. They never met again until a couple of years ago. They had absolutely no way of knowing that 3 decades after they would wind up as husband and wife. Amazing. Coincidence? Fate? Destiny? Thats the magic of love.. Mabuhay ang bagong kasal..”

Agad na nagtrending ang post at madami ang nagshare dito hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong umaani ng mga positibong komento at reaksyon mula sa netizens.

Loading...