Tama nga ang sinasabi nila na, lahat ay nagbabago at “Change is the only permanent thing in this world. Dahil kahit ano pa man ang sasabihin ng isang tao, di mo inaasahan na pwede pa pala itong magbago.
Katulad ng isang relasyon, wag pakampante sa lahat ng sinasabi ng lalaki/babae para na rin hindi masaktan ng sobra-sobra. Sa bawat araw na nagdaan, animo’y siya na ang yung buhay dahil sa kanya umiikot ang iyong mundo, kaya kapag dumating yung pinaka mahalagang araw ng inyong anibersaryo, o kaarawan ng bawat isa, may mga natatanging pakulo na ginagawa para maging masaya ang ka partner ninyo.
May mga nagbibigay ng tsokolate, bulaklak mga teddy bear at kung ano-ano pang maisipan ng mga lalaki para sa kanilang minamahal.
Pero ang kwentong ito ng lalaking kilala bilang si Ken Wong ay nagpahayag ng isang mapait at masalimuot na karanasan sa pagdiwang sana ng pinakamahalagang araw ng kanyang kabiyak.
Nais sanang bigyan ng isang magandang sorpresa ng nobyo ang kanyang nobya sa mismong kaarawan nito, subalit imbes na masorpresa ang kanyang nobya ay siya pala ang nagulantang sa kanyang nakita.
Kaya nga para maging sorpresa ay di niya ipinaalam sa kanyang nobya na pupunta siya sa condo nito.
Bitbit niya ang mga regalo at bulaklak, nagpark muna si Wong sa isang parking space sa may condo ng babae. Ngunit nakailang hakbang pa lamang siya ay nakita niya ang isang lalaki at babae na mahigpit na mahigpit na magkayakap.
Klarong nakita niya na buhat na buhat pa ng lalaki ang babae na tila excited makita ang isa’t-isa, ang masaklap pa nito ang babaeng yaon ay ang kanyang Nobya.
Sa kanyang na saksihang eksena ay tila nadudurog ang kanyang puso. Nais man sana niyang lapitan ang dalawa at komprontahin ngunit di niya ito magawa, bagkus kinunan na lamang niya ng litrato habang hawak hawak ang mga bulaklak na kanyang ibibigay sana sa nobya at sila ang nasa background ng larawan habang nagyayakapan.
Di maiwasang mangiyak-ngiyak ng lalaki habang pinapanuod ang eksena, subalit nagawa pa niyang ngumiti sa kabila ng mga nangyari.
Kanya namang ibinahagi sa kanyang social media account ang mapait na dinanas , at ang sabi niya sa post:
“Today is my girlfriend’s birthday, so i thought of giving her a surprise. I didn’t expect to see this scene”.
Di mapigilan ng mga netizens ang magbigay ng komento at simpatya sa naranasan ng lalaki, marami ang naka relate umano sa nangyari. Pero sabi naman ng iba, mas mabuting hayaan na lamang ito at marami pang ibang babae na deserve niya sa kanyang pagmamahal.