Tinulungan ang Isang Ama na Nahilo sa Pagtitinda Habang Karga-karga ang Anak.

Bilang isang magulang, gagawin ang lahat ng hirap para lamang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga anak, isang sakripisyo na kahit mismo kanilang kalusugan ay napalagay na sa peligro.

Tulad na lamang ang nangyari sa tinderong ito na umantig sa puso ng mga mambabasa, nagviral ang post na ito ng isang ama na naglalako ng kanyang paninda habang hawak hawak ang kanyang anak.

Isang masalimoot na sitwasyon kung inyong pagmasdan, pero kinaya ng isang ama para may e pakain sa kanyang anak, kung titingnan ay hirap na hirap na ang amang ito sa pagtitinda lalo pa’t karga-karga niya ang kanyang anak.

Nagulat naman ang mga nakakita sa kanila ng bigla itong napasandal at nahilo sa isang tabi, may mga nakakita rin sa nangyari at mabubuting citizen na tumulong at nagbigay gamot at pagkain na rin hanggang siya ay na himasmasan.

Sa post ng Facebook Page na Hanep TV, nakalagay sa caption nito na:

 

Marami ang humanga sa sipag at katatagan na ipinamalas ng isang amang ito bilang nagtitinda. Dahil kahit na hirap na hirap siya ay patuloy pa rin ang pagtitinda bilang isang marangal na trabaho upang maiahon ang kanyang pamilya. Panawagan ng ilan na sana ay may makatulong rin sa kanila, di rin nila alam ang buong storya ng tinderong ito kung bakit nga ba dala-dala niya ang kanyang anak habang naglalako.

Loading...