Tignan: Pinakamalinis Na Public Wet Market Sa Pilipinas

Kapag sinabing wet market kadalasan ang pumapasok sa ating isipan ay, mabaho, makalat, at masikip. Dito kasi matatagpuan ang mga paninda gaya ng isda, karne, mga sea foods, gulay at marami pang iba.

Inaasahan nating masikip dahil dito karamihang bumibili ng mga pang-araw araw na kinakain at mas makamumura kaysa sa mga supermarket na sa loob ng mall.

Pero alam nyo ba na may tinaguriang pinakamalinis na wet market sa bansa? saan naman kaya ito?

Itinanghal na “Pinakamalinis na Public Wet Market” ang Palengke ng Bukidnon. Kung makikita ninyo sa mga larawan ay talaga namang mapapa WOW ka sa ganda, linis at kasinop ng bawat stall ng mga wet goods na naka-display. Madami sa ating mga netizens ang mapapapost talaga sa kanilang mga social media accounts dahil sa angking kalinisan na itinataglay ng nasabing palengke.

Isa ding nakakagulat ang linis at walang amoy na comfort room o CR para sa publiko. Kung ikokompara mo daw sa ibang public CR ay talaga naman daw na mapapa “Sana All” ka.

Sabi pa nga ay may mga stall at counters din daw sa loob ng palengkeng ito na gawa sa konkretong “Granite” na materyales at mayroon din silang maayos na bentilasyon na naging dahilan ng pagkakaroon ng mabangong amoy di tulad ng ibang palengke na malansa at may kakaibang amoy dahil sa walang maayos na bentilasyon.

Kaya naman pala nating mga pinoy na gawing malinis ang mga palengke, kaya kung nagawa ng mga taga Bukidnon, ay tiyak kaya rin itong ipatupad sa ibang lungsod. Ang pagpapanatiling malinis nito ay malaking tulong na upang maging ligtas ang bawat mamimili sa mga mikrobyo at bacteria. Manatili sanang malinis ang ating mga palengke para lahat ng mamimili ay happy.

Loading...