Sitwasyon ng Isang Ama, Kahit Hirap ang Kalagayan,Kumakayod pa rin para Maitaguyod ang Pamilya.

Masakit sa damdamin tuwing nakakakita tayo ng mga ama na ginagawa ang lahat para sa kanilang pamilya, lalo na yung may mga kapansanan, grabe ang hirap at sakripisyong kanilang kinakaharap sa araw-araw.

Kaya ang kwentong ito ni Tatay George ay mabilis na nagviral dahil sa nakaka antig na sitwasyon, siya ay mula sa Tiaong Quezon, isang Person with disability (PWD) na kahit ganyan man ay malakas na nilalabanan ang hamon ng buhay.

Halos lahat ng dagok ng tadhana ay kanya ng naranasan. Ayon sa post mula sa “KAMI” page, bata pa lang noon si George nang itakwil at iniwan siya ng kanyang Ina sa isang bangka at masuwerte nalang ng makita siya ng kanyang Lolo at Lola.

Sila na ang nag-alaga sa kanya hanggang sa 8 taong gulang na siya. Ngunit pilit siyang kinuha ng Ama niya at pinagmamalupitan at pinagtatrabaho sa murang edad pa lamang.

Hindi naging hadlang kay George ang pagtutol ng kanyang ama sa pag-aaral, kaya pinagsasabay niya ang paghahanap buhay at pagpasok sa paaralan ngunit dito sumuko ang kanyang katawan sa kanyang kasipagan at napabayaan ang noo’y isang simpleng lagnat lang haggang humantong ito sa pagkabaldado ng kanyang mga paa.

Gayunpaman, pinagpatuloy padin niya ang pag-aaral kahit pa pagapang na ito kung pumapasok hanggang sa siya’y makapagtapos ng elementarya, at kasabay ng kanyang graduation day ay pinalayas siya ng kanyang ama.

Kahit saan-saan na siya namamasukan ng trabaho kasabay ang pag-aaral. At may magandang kalooban na humanga sa kanya pagpupursige at binigyan siya ng isang pampasadang tricycle.

Dito na rin siya nakahanap ng katuwang sa buhay at nagkaasawa na todo-suporta sa kanya. Hindi kailanman man naging hadlang ang kanyang kapansanan sa pagpursige niyang maitaguyod ang pamilya.

NAGSIMULA LANG PALA SA LAGNAT NA NAPABAYAAN ANG NAGING DAHILAN NG KAPANSANAN NI KUYA GEORGE..PERO MASIKAP SYA HINDI SYA NAGPABAYA AT GINAWA ANG LAHAT PARA SA MGA ANAK NYA.

Sa Tiaong, Quezon, matatagpuan si Tatay George na nagtitinda ng Gulay araw araw, sakay sa kanyang tricycle na hindi naging hadlang ang kapansanan para maitaguyod ang pamilya , saludo kami sayo tatay George.

Loading...