Sikat na Larawan ng “Floating Stone” hindi Edited. Tiyak Pag Nalaman Mo,Mag-iiba ang Tingin mo sa mga Bagay.

Dahil sa makabagong teknolohiya, lahat ng mga bagay bagay ay pwedeng gawan ng ideya ayon sa iyong gusto, kapag mayroon kang editing skills ang isang simpleng larawan ay pwedeng gawing makabuluhan at may buhay.

Kaya kapag may makita tayong isang magandang larawan sa social media at kakaiba sa pananaw natin, pinagdududahan natin kung ito nga ba ay orihinal o edited lamang?

Gaya na lamang ng isang sikta na batong ito, sa unang pagtingin akala mo ay isa lamang ordinaryong larawan na nakikita mo kung saan saan at wala na mang ibang kahulugan.

 

Pero, pag tiningnan mong maigi, makikita mong parang lumulutang ang batong ito, sasabihin ng iba na isang edited na larawan , pero ang totoo nito ay hindi, talagang mga tunay na punong kahoy, lupa at kalangitan ang iyong makikita.

Kaya ang tanong, posible bang lumutang ang ganung kabigat at kalaking bato? sabihin nating may gravity at iba pang pwersa na humahawak dito? sa ngayon, parang walang sagot sa ganyang tanong.

Pero ang konsepto ng “Change in Perspective” ay siyang magbibigay sagot sa larawang ito. Maliit na pagbaliktad lamang sa larawan ay makikita mo na ang sagot sa tanong.

Baliktarin mo lang ang iyong cellphone o gadget na hawak at magiging ganito na ang larawan:

 

Makikitang nasa tubig ang bato, ang punong kahoy at ang kalangitan, sila ay mga tunay at orihinal pero mga reflection lamang sila sa tubig.

Simple,pero maganda at may aral na hatid sa atin, na ang isang bagay ay naka dependi kung paano tingnan ng bawat isa sa atin, hindi pwedeng mag debate tayo sa opinyon nila dahil iba ang kanilang nakikita, kaya kung di mo makita ang kagandahan sa isang bagay, try mong gumalaw at tingnan ang ibang anggulo nito, baka diyan mo mahahanap ang kahalagahan nito.

Loading...