Seaman, Dismayado ng Malamang Buntis ang GF sa Ibang Lalaki habang siya ay Naglalayag.

Sabi ng iba, walang forever! Ang mga katagang yan ay pinapatunayan lamang ng mga taong walang tiwala sa kanilang relasyon, mga taong marupok na mabilis matangay ng mga tukso.

Ilan sa mga propesyon na sikat na umanoy mahilig mambabae ay ang mga miyembro ng kapulisan at yung mga seaman, sabi pa nila bawat port mayroong mga asawa ang seaman, kaya tinatawag nga sila na seamanloloko.

Pero sa usaping realidad, kahit sino naman ay pwedeng mangalabit kahit pa ikaw ay isang construction worker, driver o anu mang katayuan sa lipunan.

Bilang isang seaman, sa totoo lang ay mahirap ang kanilang trabaho, mapanganib at lalong malungkot dahil malayo sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Kaya dapat sa mga ganitong relasyon, pairalin ang pagkakaroon ng mahabang pasensya, maging tapat at magtiwala sa isa’t-isa.

Kaya marami ang nagreak sa isang pahayag ng seaman na si Kien Morales Cartagena ng kanyang ibinahagi sa social media ang kanyang na experience at pagkadismaya sa kanyang dating nobya.

Sa kanyang post sa Facebook, ibinahagi nito ang screenshot ng paguusap nila ng kanyang dating kasintahan kung saan ay ipinaalam ng babae na nabuntis siya ng ibang lalaki.

Mababasa din sa mensahe ng babae na nakikiusap ito kay Kien na kung maaari ay huwag nalang niya kausapin ang lalaking nakabuntis sa kanya nang sa ganun ay maisawan ang gulo sa pagitan nila.

Dahil sa pangyayaring ito, nakaramdam ng inis at pagkadismaya si Kien sa kanyang dating nobya, kaya di niya napigilang ibahagi sa social media ang kanyang bigat na nararamdaman.

“Just wow. Yung ganitong uri ng babae. Na habang ako’y nasa barko at umaasa naman pala sa wala. Habang pala nagtrabaho ako, siya naman nag patrabaho sa iba. Just wow. Petmalu ka girl. i-tag sana kita kaso naka block na pala ako. hahaha Pero ok lang masaya kana eh sa mga panloloko mo sa akin. Kung nakipag-usap ka lang sana sa akin ng formal hindi na hahantong sa ganito kaso wala eh. Nakakab4stos ka. Di mo alam ang nararamdaman ko habang di ka makausap, pero salamat. Sana wag pamarisan ang tulad mong babae. Wag kang mag alala. Wala ako time mag-chat sa bf mo, sayang ang oras ko. Anyway goodluck sa buhay mo. Pinatunayan mo lang SEAMAN na talaga niloloko ngayon.” ayon sa post ni Kien sa kanyang Facebook

Maraming netizens naman ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon at payo sa kay Kien, ayon sa isang nag koment, mabuti na nga araw at maagang nangyari ito kaysa nagpakasal pa sila at nangyari ang panloloko.

Sa ngayon ay naka move-on na rin daw si Kien, at wag nalang pagsalitaan ang babae, dahil napatawad na rin niya kung ano man ang nagawa nito sa kanya.

READ ALSO:

Loading...