Netizen, Ibinahagi Ang Kwento Ng Lumpia Vendor Na Kumikita Ng Halos Php 28K Kada Linggo

Hindi sa talino nasusukat ang pag-asenso ng isang tao, kundi sa sipag at diskarte nito, dahil daig ng masipag at ma diskarte ang taong matalino lamang.

Wala ring naging mayaman sa pagiging empleyado ng isang kompanya, kungdi ang pagkakaroon ng negosyo at tamang pagpa-plano.

Kaya marami ngayon ang napapasubo sa pagkakaroon ng negosyo at karamihan sa mga ito ay sa online lamang ginagawa ang bentahan.

Ngunit mapapahanga kayo sa kwento ng isang vendor na nagsasabing nakakapagbenta siya ng anim na raang piraso (600 pcs) na lumpia araw-araw sa paglalako niya nito sa daan.

Mabilis nga lang daw itong maubos  at kulang na kulang pa nga sa dami ng namimili. Kwento pa ng vendor na ito, patok ito sa panlasa ng marami kaya naman bentang benta ito sa mga tao.

Ang presyo ng lumpia na ibinebenta ng vendor ay beinte pesos (20.00 php) kada tatlong piraso (3pcs). Kung susumahin, mayroon siyang 200 set na tigbi-20 pesos.

Kung mapaubos niya ang 200 set ng lumpia niya, kikita siya ng tumataginting na 4,000 piso sa isang araw lang. Dahil may 7 araw sa isang linggo, puwede siyang kumita ng 28,000 piso at 112,000 namn kada buwan.

Dahil sa isiniwalat ni kuya, nag-isip isip tuloy ni Jomer Arañas, na nag-interview sa vendor, na magpalit na lang ng career at maging full time vendor ng lumpia. Puwede daw siyang magtinda ng lumpia sa mga corporate centers sa Makati, BGC, Ortigas, at iba pa.

Ang post namang ito ni Jomer ay ni-repost ni Jarynil Lao Burlado. Sabi niya, nagsisilbi itong ‘eye opener’ para sa maraming tao na gustong magkaroon ng mas magandang kita. Hindi diumano sapat ang kinikita sa full time work anupat kailangan talaga ng extra income para makaipon.

May mga komento naman hinggil sa nakakalulang kita ni Manong Vendor na daig pa ang mga nagtatrabaho sa opis kna at naka-corporate attire. Sabi nila, hindi naisama sa computation ang capital ni Manong Vendor, gayundin ang hirap miya sa paggawa nito.

Isa naman ang nagkomento na ganito rin ang kuwento nnina Henry Ay at Gokongwei naging successful sa negosyo nila. Depende sa sipag, tiyaga at diskarte, halos lahat naman na naging successfull ay may magandang storya ng pinagmulan.

Sa tingin mo, sulit bang mag-switch ng career at makipagsapalaran sa pagiging isang food vendor?

Loading...