Matandang Mag-asawa na Nakatira sa Sirang Tent, Kinalimutan na raw ng mga Anak sa Maynila

Wala nang mas sasaya pa sa isang magulang na kapiling ang kanilang mga anak sa kanilang pagtanda,ito ang gagabay at magsilbing mga paa at mata nila habang sila ay uugod ugod na.

Ngunit sobrang napakasakit kapag ang ganyang klaseng pangarap ng ating mga magulang ay biglang maglaho.

Ating masasaksihan sa estoryang ito ng mag-asawang matanda ang isang napakalungkot na kalagayan, nakatira lamang sa isang sirang tent ang dalawang matanda kahit na mayroon naman pala silang mga anak.

Napag-alaman na ang dalawang matandang ito ay nakatira sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan na sinasabing kinalimutan na sila ng kanilang mga anak.

Mapapansan sa mag-asawang ito na bukod sa mga payat na pangangatawan ay hindi rin maayos ang kanilang tinitirahan dahil sa sira-sirang tent lang sila natutulog.

Sa isang video sa Youtube na ibinahagi ng Radio anchor na si Archie Hilario, sinubukan nitong pasyalan at alamin ang mahirap na kalagayan ng mag-asawa.

Makikita mismo sa video na sira-sira at tinagpi tagpi ang kanilang tinitirhan.

Sabi ni lola, mayroon siyang mga anak na nakatira sa Maynila ngunit matagal na silang hindi nagpaparamdam at tila kinalimutan na sila.

“Yung dalawa nasa Maynila, wala ring kumunikasyon sa amin kung saan sila nakatira”

Ayon kay lola, umaasa itong kahit sulat man lang ay may matanggap ito mula sa mga anak niya sa Maynila, ay isang malaking bagay na daw ito na magpapasaya sa kanila.

Hindi daw masama ang loob nila sa mga anak nila basta ang mahalaga daw umano ay malaman nila kung ano na ang kalagayan ng kanilang mga anak at kung anong balita sakanila.

“Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanila.. bakit naman nila kami ginato, ni hindi nila kami pinapadalhan. kahit sulat lang. kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako. Kahit sulat o sa Facebook lang makita namin sila, sasaya na kami.” ayon kay lola.

“Hindi nila kami naalala ng dalawa naming babae sa Maynila.” dagdag pa ni lola.

Meron umano silang isang anak na namamasukan malapit sa kanilang lugar ngunit mayroon na din itong pamilya kung kaya naman kung wala itong maiaabot sakanilang pera ay wala rin silang makakain, dito na lamang daw sila kumakapit sa kung ano ang maibigay sa kanila.

Dahil sa naramdamang awa ni Hilario sa matanda ay inalok nito kung puwede daw ba silang magpatayo ng bahay para sa mag-asawang matanda, ngunit sinabi ni lola na hindi maaari dahil hindi sakanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang tent. Marami rin sa mga netizens ang naawa sa kalagayan ng dalawang matanda. Sana makita din ito ng kanilang mga anak at ng matulungan sila.

Loading...