Paalala mula sa Department of Health ang pangalagaan ang ating sarili laban sa c0ronavirus, kaya palaging ugaliing naka mask, social distancing at may baong alcohol o sanitizer gel sa ating sarili.
Pero ang akala nating pag-iingat sa ating sarili ay minsan maging dahilan din pala ng hindi inaasahang aksidente.
Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, kamakailan lang ay nag trending ang isang post sa social media ng isang netizen na tila may lapnos sa kamay ang isang babae, dahil umano sa pag sanitize niya sa kanyang kamay.
Mabilis itong nag viral, dahil nga marami ang nakakarelate sa panahong ito ng pandemic, lahat halos gumagamit ng alcohol bilang proteksyon sa v1rus.
Kwento ng netizen na nagpost, matapos daw niya e sanitize ang kanyang kamay, ito ay pumunta sa kusina upang magluto at hindi niya inaasahang biglang lumiyab ang kanyang kamay ng e-on ang stove.
Makikita sa larawan na may lapnos ang kanyang kamay, mula sa kanyang daliri hanggang siko nito.
Sana ay maging isang babala din ito sa lahat, na mag-ingat at wag sundin ang nangyaring ito, mas mabuting maging ligtas muna at mag-isip ng mabuti dahil hindi natin maiiwasan na maging makalimutin rin. Tulad niya, di niya rin ginusto ang nangyari sa kanya, mabuti na lamang at hindi lumala ang kanyang sitwasyon at naagapan pa ito.