Isang netizen ang nakaramdam ng awa sa kanyang nasaksihan kaya ibinahagi niya ito online para hindi na sana pamarisan. Nakita niya na halos matiyagang naghihintay ang isang delivery man ng isang online shopping sa kanyang customer.
Si Bea Aspiras ang nag upload ng larawan at umani ng maraming reaksyon mula sa online world, umabot pa ito sa halos 25,000 shares.
Nais lamang ni Bea na maging aware ang lahat sa kalagayan ng mga delivery man, na sana igalang naman sila at pahalagahan dahil hindi rin naman biro ang kanilang uri ng trabaho.
Ang larawan ay nagpapakita na hindi lahat ang pinagdadaanan ng mga delivery man ay alam ng nakararami. Minsan sila pa ang pinagbubuntungan ng galit ng ilang customer.
Saad ni Bea, naawa siya sa delivery man dahil kahit mainit ay matiyaga itong naghihintay ng isang oras.
Kahit noong dumating ang customer ay wala umano itong bahid ng galit kahit tirik na tirik ang araw.
Makikita sa mga larawan na nagkaupo sa isang tabi ng daan ang delivery man habang nag-aantay.
Namangha si Bea sa ipinakita ng delivery man, bagama’t may matanda na umano ito ay nagagawa pa rin nito ng tama ang kanyang trabaho.
Aniya, dapat respetuhin natin sila dahil matiyaga nilang ginagawa ang kanilang trabaho.
Basahin ang kanyang buong post:
Ngayon lang ako mag popost ng ganito, and this is for every person using online shopping.
Nakita ko si Manong rider sa labas ng ganito almost 1hr din syang nag hintay dun sa customer. Honestly, nakakaawa talaga sila makitang ganito lalo na’t pag nakita mo yung itsura nila na halatang pagod na. Nung lumabas yung customer, binati sya ni Manong nang nakangiti. And he’s old na guys but still manage to do his job. Kudos to you Manong ??
Kaya guys, di nila deserve saktan at murahin. They’re patiently waiting for us to get our order/s, yung ibang customers lang talaga walang patience minsan… di po natin alam kung ano lagay nila sa kalsada, respeto nalang po sa trabaho nila…
Samantala, ayon naman sa mga netizen na dapat ay bigyan rin ng konsiderasyon ang mga delivery man dahil hindi madali ang magbilad sa araw habang hinihintay ang customer.
READ ALSO: