Kilalanin Ang Pinag-Uusapang Asawa ni Alfred Vargas na mayroong pagkakahawig kay Marian Rivera

Kadalasan na mga sikat na personalidad sa showbusiness ay nakapag-asawa rin ng kapwa nilang sikat na artista, yung iba ay mga magka loveteam na nagkakatuluyan kaya naging mas lalong maganda ang takbo ng kanilang karera, pero yung iba naman ay may mga napupusuan rin sa labas ng industriya.

Mga sikat na artista na nakapag-asawa ng mga bilyonaryo, ngunit itong sikat na aktor ay hinangaan dahil sa kanyang non showbiz wife na may kamukhang sikat na aktres.

Si Alfred Vargas ay isa sa mga gwapo at kilalang artista na ating sinusubaybayan o napapanood sa iba’t Ibang programa sa telebisyon na kung saan hinahangaan ng karamihan. Marami sa kanyang mga tagahanga ay napapatanong kung ang gwapong batikang aktor ay may asawa na.

At ang sagot ay OO, may asawa na ang aktor na ito at kaya nga naging laman ng usap usapan sa social media dahil sa angking ganda ng kanyang napangasawa, kamukhang kamukha kasi ni Marian Rivera.

Ang nasabing asawa ni Alfred Vargas ay nagngangalang Yasmine Espiritu-Vargas na isang half Italian half Filipino at siya ay lumaki sa bansang Italy. Sa kasalukuyan meron silang tatlong anak ni Alfred na sina Alexandra Milan Vargas, Aryana Cassandra Vargas, at Alfredo Cristiano Vargas IV.

Pag amin ni Ysamine na siya ay solid na tagahanga lamang ni Alfred, may mga koleksyon pa nga raw siya ng litrato ng aktor at palaging nanunuod ng mga pelikula nito.

Nagkakilala ang dalawa dahil sa isang kaibigan noong mga panahon na nagbakasyon si Yasmine sa Laguna at kasalukuyan naman na mayroong show na ginagawa ang aktor. Doon nag simula ang love story ng dalawa at pagkatapos ng mahabang pagsasama nagdesisyon si Alfred at Yasmine na magpakasal noong 2010 sa supreme court.

Isang Congressman na ngayon ang aktor na si Alfred at nanunungkulan sa Quezon City. Masayang pamilya sina Yasmine kasama ang kanilang tatlong anak sa piling ni Alfred.

Loading...