Naging tanyag si Dennis Padilla sa larangan ng comedy bilang aktor, at taong 1997 ay napabalitang ikinasal ito sa aktres na si Marjorie Barretto kung saan sa kanilang pagsasama ay nagbunga ito ng 3 anghel na sina Julia, Claudia at Leon.
Ngunit katulad din ng ibang mag-asawa may mga problema ding kinakaharap ang dalawa at nauwi sa hiwalayan noong taong 2007, ang kanilang pagsasama ay tumagal ng 10 years lamang.
Nakipagsapalaran din ang aktor sa pulitika, ngunit sa kaparehong taong paghihiwalay nila ay hindi rin pinalad na manalo ito sa eleksyon, naging hindi maganda ang takbo ng taong yaon dahil kasabay na nawala ang karera at ang pamilya niya.
Pero ang buhay ika nga ay parang gulong ng palad, minsan ikaw ay nasa ilalim at nasa itaas, kaya kung may masamang mga nangyari sa ating buhay, hindi ito permanente dahil may pag-asang itataas tayo ng Diyos.
Kaya sa pag-aakala ni Dennis na nawala na ang lahat sa kanya, ay biglang dumating naman sa buhay niya ang babaeng magbibigay kulay sa kanyang buhay.
Ang babaeng yaon ay kinilala na si Linda Gorton isang half-filipina at half-australian, napakagandang babae na siyang muling nagbigay sigla sa kanyang buhay.
25 pa lamang noong si Linda ng magkakilala sila ni Dennis na nasa 49 taong gulang na, medyu malaki ang agwat ng kanilang edad.
Pero naging bukas at tanggap naman si Dennis ng magulang ni Linda at hindi naging isyu ang agwat ng kanilang edad dahil sa nagustuhan nila ito sa pagiging masayahin ng aktor.
Sa ngayon ay masayang nagsasama ang dalawa bilang Pamilya at biniyayaan din sila ng Tatlong anak na sina Rizzi,Gavin at Madie, naging matatag at patuloy na masaya ang kanilang pamumuhay kasama ang mga mahal nila sa buhay.