Maraming mga paniniwala ang ating mga ninuno na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin natin at ang ilan ay naniniwala pa rin dito. Isa sa mga ito ay ang kanilang parating sinasabi na ” Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”.
Ibig sabihin naman nito na, dapat ay alalahanin natin yung mga taong tumulong sa atin, hindi naman ibig sabihin na bayaran natin sila, kundi ang maalala natin sila kung saan tayo ngayon ay sapat na yun at kanilang ikakasaya lalo pa kapag nakita nilang umasenso ka sa iyong buhay.
Ang kasabihang iyan ay pinatunayan ni Jayvee Lazaro Badile II. Siya ay isang orphan o inampon noong bata pa lamang siya.
Kahit na mahirap lamang ang mag-asawang kumupkop sa kanya, ay hindi naman siya pinabayaan bagkus inampon pa ito at itinuring na tunay na anak.
Ang kanyang foster mother ay isang tindera samantalang ang kanyang foster father ay isa namang porter.
Sila noon ay nanirahan sa Bocaue Bulacan na kung saan makikita sa inupload niyang video ang kahirapan na dinanas nila. Ang sabi nya sa video ay 28 na taon silang nanirahan at namuhay ng simple sa isang simpleng tahanan.
Sinabi nya sa caption na pinost nya sa kanyang socmed account ay,
“When Nanay and Tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay is a vendor, Tatay is a porter. Now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than what they could ever imagine”.
Ang kanyang pagsusumikap ay sinuklian ng isang malaking blessings hindi lamang para sa kanya kundi pati sa mga kinilala niyang magulang.
Dahil sa kanyang natamong magandang buhay, naninirahan na sila ngayon sa isang malaking bahay at pinapasyal ang kanyang mga magulang sa ibang bansa.