Isang kakaibang estorya ng buhay ang dinanas ni Carmina Villaroel sa kanyang buhay may asawa, malaking hamon ang kanyang kinaharap, at tulad din ng mga fairy tale, natamo niya rin ang tinatawag na happy ending.
Pagbabalik tanaw sa buhay ni Carmina Villaroel, naging trending ang kanyang buhay may-asawa noon ng ikasal siya sa gwapo at matipunong si Rustom Padilla o kilala ngayong si BB Gandanghari. Naging maingay at lamang ng balita ngayon ang kaliwa’t kanang patutsada ni BB sa kanyang pamilya at iba pang artista.
Ginulat ni BB ang buong bansa ng inamin niyang isa siyang transgender noong taong 2006. Bago pa man lumabas ang malaking rebelasyon , ay marami na siyang pinagdaanan sa kanyang buhay, kasal siya sa aktres na si Carmina.
Hindi naging successfull ang kanilang marriage life at naghiwalay din sila. Nakita ni Carmina ang tunay na lalaking magbibigay kulay sa kanyang buhay at ito ay si Zoren Legaspi. Biniyayaan ng kambal na anak sina Carmina at Zoren na sina Cassie at Mavy, walang kaalam-alam ang kambal tungkol sa naging buhay ng kanilang ina noon.
Isang personal na decision ang pinag-isipan ng mag-asawang Carmina at Zoren, dahil iniisip lang naman nila ang kapakanan ng kanilang kambal, ayaw nilang masangkot sa kontrobersiya ang kanilang mga anak habang lumalaki.
“We wanted to tell them sa tamang paraan at sa tamang panahon. Sa pagkakaalam kasi ng kambal, kasal na kami ni Mina sa isa’t-isa. Tinago talaga namin hanggang hindi pa nangyayari ang matagal ko nang pangako kay Mina. Ayaw din naman naming ma-confuse ang kambal kaya hindi muna namin sinasabi,” pahayag naman ni Zoren.
Ito ay sinang-ayunan naman ni Carmina para sa ikabubuti ng kanilang mga anak, humingi rin sila ng senyales sa Panginoon kung nasa tamang panahon na ba para ibigay alam sa kambal ang kanyang nakaraang buhay, nais lang naman nila na maging bukas at magkakaintindihan ang kanilang pamilya.
“Kaya tamang timing lang na nangyayari na ang lahat ng ito sa amin. Parang sign from God na kailangan sabihin na namin sa mga bata. It’s best nga naman na maging open na ako sa mga anak namin–tungkol sa nakaraan ko kesa sa ibang tao pa nila malaman, di ba?” sabi ni Carmina.