Dahil sa mga balitang kasangkot ang ibang kapulisan sa mga kr1men, minsan hindi na naging maganda ang imahe nila sa lipunan, kahit pa man mayroon pa ring mga miyembro ng kapulisan na sobrang dedikado sa kanilang trabahong sinumpaan.
Kaya masakit naman para sa mga mabubuting pulis na husgahan din sila dahil lamang sa mali ng iba. Di rin naman natin masisisi ang mga tao na magbigay ng opinyon nila pero wag lang nating kalimutang kung may masama ay mayroon namang busilak na kalooban ang ilan.
Marami na ring mga hinangaang Pulis at naparangalan pa dahil sa magaganda nilang ginagawa, katulad na lamang sa Facebook post ng isang fan page na “I LOVE PNP”, nag-viral ang ginawang kabutihang loob ng isang grupo ng kapulisan sa lugar ng Ilocos Sur.
Kwento ng mga ito, galing ang grupo ng kapulisan sa ilang gabing operasyon sa kabundukan at nadaanan nila ang isang bahay.
Ayon umano sa mga residente doon ay hindi lumalabas ng bahay ang bataang babae na si Romelyn Siena dahil takot ito sa mga pulis.
“Isang bata na nakatira sa liblib na lugar ng Ilocos Sur na takot sa mga Pulis, hindi pa nakakapasok o nasusubukang kumain sa jolibee ang binalikan ng tropa ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company RMFB1, Police Regional Office 1, upang ipasyal, ipamili ng mga gamit at matupad ang pangarap na makakain sa jolibee.” mababasang caption ng Facebook post.
Makalipas ang ilang araw ay binalikan ng ilang pulis si Romelyn upang suyuin upang maiba ang tingin ng bata sa mga pulis na hindi dapat siya natatakot sa mga ito dahil mababait naman sila
Dito mapapatunayan na hindi lahat ng alagad ng batas ay masama o kaya naman ay mapang-abuso sa kanilang puwesto, marami din sa ating kapulisan ang mayroong ginintuang puso.
Hinangaan ng karamihan ang ipinakitang kabusilakan ng puso ng mga pulis na ito kung saan ay isang batang babae sa liblib na kabundukan sa Ilocos Sur ang kanilang pinasaya.
Ayon sa “I LOVE PNP” na Facebook page, ang batang babae na si Romelyn ay takot sa mga pulis kung kaya naman pinuntahan ito ng grupo ng kapulisan upang mapukaw ang hindi magandang tingin sakanila.
Kwento ng mga ito, halos isang oras bago nila makumbinsi si Romelyn na lumabas sa kanilang bahay dahil na rin sa takot niya sa mga pulis.
Noong mga oras na lumabas na si Romelyn ay agad niyakap ito ng isang pulis kasabay ng pag-iyak dahil naalala nito ang kanyang anak na babae na matagal na nitong hindi nakakapiling.
Napag-alaman na ang batang babaeng ito ay kailanman hindi pa nakakapasok o nakakakain sa Jollibee kung kaya naman nag-effort sila para matupad ang mumunting pangarap ng bata na makakain sa Jollibee.
Lumipas umano ang ilang araw ay binalikan nila si Romelyn upang tuparin ang mumunting pangarap ng bata na makakain sa Jollibee.
Matapos silang kumain sa Jollibee ay ipinasyal pa nila ang batang babae at ipinamili ng mga kailangan nitong gamit.
Dahil sa ginawang kabutihan ng mga pulis, madaming netizens ang tila nag-iba ang tingin sa ibang kapulisan at hinangaan pa nga ang mga ito.
Ayon sa isang netizen na si William Caacbay, sana ay tularan sila ng ibang kapulisan na busilak ang puso sa pagtulong sa mga nangangailan.
Saludo naman si Maria Buena na tila hindi mapigilang mapaluha sa ipinakitang ginintuang puso ng mga pulis na ito.