Ang ating mga OFW ay itinuturing mga bayani ng ating bansa, malaki ang kanilang naging kontribusyon upang mapalago ang ating ekonomiya. Malaking sakripisyo ang kanilang ginagawa para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.
Malungkot na hindi lahat ng mga OFW ay naabot ang mga pangarap para sa kanilang pamilya, maraming mga pang-aabus0 ang ating nabalitaan tungkol sa kanila. Napakaswerteng maituturing kapag nakatagpo sila ng isang mabait na amo.
Katulad na lamang ng isang Pinay maid na ito na nakatagpo ng mababait at mapagbigay na amo, Siya ay si Mhai San Pedro, 31 taong gulang at nagtatrabaho sa Middle East bilang isang domestic helper, tulad din ng iba, pangarap nya ring mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang naiwang pamilya.
Nagdesisyon siyang mangibang bansa bunsod na rin ng kahirapan, dati silang nagtatrabahong mag-asawa sa isang factory at kahit silang dalawa na ang kumakayod ay hindi pa rin sapat para tugunan ang kanilang pangangailangan.
Isa pang problema nila ay ang pagkabaon sa utang dahil sa pagpapagamot sa kanilang anak na may pulmonary condition.
Pinag-igihan ni Mhai ang kanyang trabaho at napaka swerte daw niya dahil napunta din siya sa isang mabait na amo, binibigyan umano siya ng mga mamahaling gamit tulad ng mga bags, perfume, sapatos, make-up at cellphone.Mas lalo siyang natuwa ng tinulungan pa syang magpatayo ng kanilang bahay, ng malaman nilang nasa barong-barong lang nakatira ang kanyang pamilya.
Sa 8 buwan pa lamang niyang pagtatrabaho ay nakuha na niya ang tiwala ng kaniyang amo, bukod sa tinatanggap niyang sahod ay binigyan pa siya ng 35,000 riyal o 500,000 pesos para sa pagpagawa ng kanilang bahay.
Hindi lang pala pagpapagawa ng bahay ang itinulong sa kanya, pati pagpapagamot sa kanilang anak na may sakit.
“Bukod sa love at care, eh tinulungan talaga nila ako na magpagawa ng bahay. Nagpapagawa na ako ng bahay na magiging komportable naa tulog ng pamilya ko kahit umuulan. Bilog ang mundo, hindi habang buhay nasa ilalim tayo.”
Sobrang swerte talaga ni Mhai dahil buong pamilya ng kanyang amo ay nagbigay ng tulong upang magkaroon ng pera pandagdag sa bahay ni Mhai.
Kaya wag sana mawalan ng pag-asa ang iba nating mga kababayang OFW, dahil may mga amo pa ring mababait dito sa mundo.