87 Anyos na Lolo, Binigyan ng Libreng Bike ng May ari ng Shop dahil kulang ang Pambili nito.

Sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa, may mga tao talagang likas na busilak ang puso para sa kanilang kapwa na handang magbigay ng tulong na walang kapalit, tulad na lamang ng may-ari ng isang bisikleta shop.

Si lolo Carlos Samonte, 87 anyos ay pabalik-balik sa shop na ito para bumili ng bisikleta na nasa P4,500 pero yung pera niya ay kulang at nasa P2,000 lamang.

Dahil nilalakad lamang ni lolo ang Pasay City papuntang Makati City upang magtinda ng kendi.

Ayon kay Fe Carandang, ang may-ari ng Carandang Bike Shop sa Pasay City, isang linggong binabalik-balikan ni Mang Carlos ang mini MTB bike dahil gustong-gusto niya itong bilhin pero P2,000 lang ang kanyang kayang ibigay. Kulang ito sa kalahati ng original price ng bike na P4,500.

Nitong Miyerkoles, nakuha ni Mang Carlos ang napili niyang bike pero imbes na kunin ang bayad ay ibinalik na lang ito ni Fe, sabay sabing “kunin mo na ‘yan, regalo namin sa iyo”.

Bukod sa libreng bike, ipinahabol pa ni Fe ang lock para sa bisikleta para hindi ito manakaw.

Kita sa video na kuha ni Bayan Patroller Juhdel Berido Pagador ang saya ng Mang Carlos.

Kuwento ni Fe, bumalik sa kanilang shop ang anak ni Mang Carlos para magpasalamat.

Loading...