7-anyos na Bata, Pumanaw Matapos Kumain ng Fried Chicken na Inorder Online

-Nawalan ng buhay ang isang 7-anyos na bata sa Kuwait dahil sa kinaing fried chicken na inorder online.

-Siya ay si Zara Louise Lano na pumanaw noong Marso 21, isang araw matapos makakain ng fried chicken.

-Ang kanyang Ina na si Faye Lano ay nagpahayag na iba na daw ang lasa ng manok at mamantika, mukhang hindi bagong luto.

-Kapag mapatunayan na food poisoning ang dahilan, plano ng pamilya na magsampa ng kaso laban sa fast food chain.

Tila isang bangungot para sa pamilya ni Zara ang biglaang pagpanaw nito sa edad na 7-anyos matapos umano makakain ng fried chicken na kanilang inorder sa online mula sa fast food restaurant.

Ayon sa report ni Vonne Aquino para sa GMA program na Unang Balita, pumanaw si Zara Louise Lano noong Marso 21, isang araw matapos kainin ang nasabing fried chicken.

Ipinaliwanag ng ina ni Zara na si Faye Lano na iba ang lasa ng manok, masyado itong mamantika, at tila hindi bagong luto ang pagkain. Hindi na inubos ng pamilya ang manok pero tumuloy pa rin sila sa ospital nang sumama ang pakiramdam nila.

 

Si Zara at Faye ang na-discharge pero ang ama ng tahanan at ang anak na lalake ay pinanatili sa ospital. Ilang oras ang makalipas, bumalik si Zara at Faye sa ospital dahil sa LBM at nausea. Sa kasawiang palad, lumala ang kundisyon ni Zara at kinailangang dalhin na siya sa intensive care unit (ICU) ng ospital, kung saan siya binawian ng buhay.

Acute failure of blood circulation at septic shock ang itinalang cause of death ni Zara. Kung mapatunayan na food poisoning ang naging sanhi nito, balak ng pamilya na mag-sampa ng kaso laban sa fast food chain.

 

 

Loading...