Sino nga bang pamilya ang hindi dumaan sa mga pagsubok? Lahat yata ng mga mag-asawa ya may mga kanya-kanyang problemang kinakaharap, ngunit sa pagdating ng mga pagsubok na ito, diyan nyo malalaman ang tatag ng pundasyong ginawa niyo bilang mag-asawa para harapin ito.
YOU MAY ALSO READ:
Babaeng Nagpost ng “No B-R-A Challenge” Umani ng Iba’t-Ibang Komento.
Celpon na Mataas ang Brightness,Resulta- Babae nagkaroon ng 500 Butas sa Cornea.
Normal na ang mga pagsubok at problemang ito ngunit ang mahalaga ay ang may makakasama ka palagi sa pagharap sa mga pagsubok na ito. Siyempre, mas nasusubok rin ang inyong relasyon bilang isang pamilya kapag kapwa may trabaho kayong mag-asawa dahil maaaring mawalan kayo ng oras ng isa’t-isa at sa inyong mga anak.
Maraming mag-asawa sa showbiz industry ang nauwi sa hiwalayan, dahil sa isang problemang madalas siyang naging dahilan, ito ang kawalan ng oras sa isa’t-isa at sa pamilya.
Marami rin ang mga nadadala sa tukso, dahil bilang isang artista, maraming proyekto at makakasabay sa trabaho, tao lang din sila at siguro marupok kaya natutukso rin.
Ngunit, nakakaproud naman para sa mag-asawang aktor at aktres na sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, relaks lang raw sila sa buhay nila. Sa loob ng 21 taong magkasintahan, napanatili nila ang kapayapaan sa kanilang relasyon at sa kanilang pamilya. Hindi rin raw nagkaroon ng away ang mag-asawa na tungkol sa pangangaliwa.
Ayon kay Tonton, napakaliit raw ng mundo para mangaliwa lalo pa’t may social media na ngayon. Bagama’t marami ang nagsabing maghihiwalay rin sila katulad ng ibang magkasintahan artista, pinanindigan nila ito at ngayon ay higit dalawang dekada ng magkasama sa buhay. Pagdating naman sa kanilang awayan, isa raw sa pinaka-malaking pag-aaway nila ay ng magnobyo at nobya pa lamang raw silang dalawa. Naghiwalay raw ang dalawa noon.
Higit sa lahat ay naging mas maintindihin ang dalawang ito dahil alam naman nila ang kanilang tunay na trabaho, kung kaya’t kapag may mga pagkakataong may taping ng mga [email protected] eksena ang bawat isa ay ini-ignore lamang nila ito.
Ayon naman kay Glydel, minabuti niyang wag mapanuod ng mga anak nila ang mga eksenang katampok sila na hindi kaaya-aya. Kahit parehong busy sa kanilang mga trabaho, sinisigurado nila na magkaroon ng sapat na oras para sa kanilang mga anak at sa pamilya.