Ayon sa DENR XI, wala pang sightings ng puti o “albino” na paniki sa rehiyon at iniimbestigahan na nila ito sa ngayon. (? Gigi Senajonon) | via Hernel Tocmo, ABS-CBN News.
Pero, bilang pagbalik tanaw sa mga nakaraang balita, ang Paniki ay isa sa mga iniimbestigahan ng syentipiko na dito daw nagmula ang v1rus.
Ano nga ba ang PANIKI? ayon sa Filipinolaybrari.com
Kakatwang uri ng hayop ang paniki. Lumilipad itong tulad ng ibon, ngunit hindi naman ito ibon. Nakakahawig ito ng daga at nabibilang sa pamilya ng mamalya.
May humigit-kumulang na dalawang libo ang uri ng mga paniki. May mga panicking sa maiinit na pook lamang maaring mabuhay at mayroon ding nakaangkop sa anumang uri ng klima. May mga panicking sinlalaki ng kambing at mayroon ding sinliliit ng pipit.
Ganap na angkop sa paglipad ang paniki. Ang mga buto nito sa pakpak ay katulad ng buto ng tao sa kamay.May manipis na balat na nagkakabit-kabit sa mga buto nito sa kamay na sumasakop na rin sa mga paa at buntot. Ang panghawak nito ay ang bibig at mga pangkawil sa pakpak. Hindi ito nakalalakad o nakatatakbo. Ang dalawang paa ay nagsisilbing pangapit lamang sa pagbitin kung namamahinga o natutulog.
Nocturnal animal ang mga bat o paniki. Ibig sabihin, mas gising at aktibo sila tuwing gabi at natutulog at nagpapahinga naman tuwing araw.
Marami na rin palang nakitang mga puting paniki sa bansa katulad ng nasa video na ito: