Dahil sa patok ngayon ang online selling at para maka-iwas sa v1rus, ang munting batang ito ay nagbigay aliw sa mga netizens matapos na mag-ala online seller din sa facebook.
At ang nakakatuwa pa ay ginawa niyang kunyaring paninda ay ang butas na brief ng kanyang ama, na wala namang kamalay-malay sa ginagawa ng musmos niyang anak.
Sa videong inupload ni Athena Cantos, makikita mong parang bihasa sa pagli-live selling itong bata, dahil kuhang-kuha niya ang estilo ng mga negosyante sa pag-aalon ng mga itinitinda online.
Alam ng bibo kid kung paano ilalarawan ng maayos ang “for sale” na item at sinasabihan ang “potential buyers” na magsabi ng “mine” kapag gustong bilhin ang gamit.
Dahil nag-iisa na lamang ang brief, ibinida niyang bagsak-presyo na ito sa halagang P100.
Ipinakita din ng little online seller ang butas na bahagi ng underwear kaya nagpaalala siyang tahiin na lamang ito.
Inamin din ni Athena sa netizens na hindi pa alam ng padre de pamilya na nilalako niya ang brief nito.
Ang perang kikitain, gagamitin niya daw sana sa upcoming field trip sa paaralan.
Tila naging mabenta sa publiko ang “item” ng musmos matapos umabot sa mahigit 4 million views ang pagli-live selling kuno nito.
Paano kaya pag nalaman ito ng kanyang ama, hahaha kaya mga anak niyo po ay bantayan ng mabuti baka maubos ang mga gamit nyo sa bahay at itinda nila online o barter.
SOURCE: MMV