NASA Naka Diskubre ng Bagong Planeta Na Pwedeng Matirhan Ng Tao.

Malakas na mga bagyo, lindol at pag-aalburoto ng bulkan, ito ay mga natural calamities na isa sa mga dahilan ay ang hindi magandang aktibidad ng tao, tulad na lamang ng mga illegal logging, mining, pagsusunog, yan at ang iba pa ay nag ko-kontribute sa pagkasira ng ating kalikasan.

Sa ating mga ginagawa, tayo rin at ang mga susunod na henerasyon ang siyang kawawa dahil unti-unting nasisira ang ating mundong ginagalawan.

Kahit pa man may mga ahensya ang gobyerno para mangalaga sa ating mga likas na yaman, ay hindi sapat ito kung walang tulong mula sa komunidad at desiplina sa sarili.

Ito marahil ang dahilan kung bakit puspusan ang mga organisasyon sa pagpunta sa kalawakan upang pag-aralan ito at magbakasakaling makahanap ng panibagong mundo para sa sangkatauhan.

Ang NASA o National Aeronautics and Space Administration ay kamakailan nagkaroon ng isang kakaibang tagumpay nang kanilang madiskubre ang isang planetang may katangiang parehas sa ating mundo.

Noong nakaraang taon, 2018, nadiskubre ng NASA ang tatlong planeta gamit ang kanilang Exoplanet Survey Sattelite.

Ayon sa impormasyong natanggap nila mula sa Satellite na kanilang ipinadala, isa raw sa tatlong planetang nadiskubre ng nito ay maaaring pagpugaran ng mga tao dahil malapit ang mga katangian nito katulad nang sa mundo.

Ang tatlong planeta na ito ay GJ 357 b, GJ 357 c at ang GJ 357 d.

Sa tatlong planetang ito, namukod tangi ang GJ 357 d dahil parehas ito nang katangian ng ating mundo. 6 na beses nga lamang itong mas mabigat kaysa sa ating mundo. Sapat ang temperatura nito upang mamuhay ang mga tao at may sapat rin itong tubig.

“GJ 357 d is located within the outer edge of its starĂ­s habitable zone, where it receives about the same amount of stellar energy from its star as Mars does from the sun,” ayon sa NASA.

Loading...