Reality, na kapag may ipon ka ay talagang mapapanatag ka pag dumating ang mga panahong magdudulot ng kagipitan sa lahat, tulad ngayon na kadalasan sa mga trabaho ay “no work, no pay” talagang mababaliw ka sa kakaisip kung saan kukuha ng mga ipanggastos sa bahay.
Isang magandang halimbawa ng pagiging wais na misis ay ang kwento ng asawa ng barberong ito, na sa ganitong sitwasyon ay di sila gaanong naapektuhan ng kaniyang buong pamilya.
Barbero ang naging trabaho ng kanyang mister minsan may mga kustomer din siyang mayayaman at may kaya sa buhay, kaya may mga tip na binibigay ang mga ito sa mga taga serbisyu sa kanila.
Ang asawa naman niyang naiwan sa tahanan ay isang simpleng maybahay lang din at walang hilig sa kung anong ka artihan sa katawan, kaya sa halagang P350 ay kuntento na ito at kayang e budget sa buong mag-hapon.
Kapag naipo naman ang Tip ng kanyang mister ay umaabot din pala ito sa P1,700 ang pinakamataas at P400 naman sa kada araw, iyon naman ay kanyang binibigay sa kanyang misis bilang kanilang napagkasunduan na rin.
Hindi pala alam ni Mister na iniipon ni Misis ang kanyang mga tip dahil hindi naman ito bumubili ng kung ano-anong hindi mahalaga sa kanilang tahanan.
Maalalang mga nasa Marso 16, nag-umpisang magdeklara ang Pamahalaan ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon. Pinatigil sa trabaho ang halos lahat ng tao maliban sa mga frontliners, kabilang naman ang asawa niya sa napatigil sa trabaho, kung kaya;t masyadong nag-aalala si Mister.
Ngunit biglang nagtaka daw ang Mister nito kung bakit sa bawat araw na nagdaan ay puro masasarap pa rin ang inihahanda ng kanyang Misis.
Pa ngiti-ngiti ang Misis at pinagtapat din sa Mister nito ang kanyang sekreto, pinakita niya ang kabuuang perang naipon mula sa mga tip nito.
Umabot sa P217,000.00 ang kabuuang naipon na pera ni Misis, na isang napakalaking tulong sa kanyang Mister na ngayon ay walang trabaho sa gitna ng pandemya sa bansa.
Kaya naman payo ni Misis sa lahat, na matutong mag-ipon at wag ubos biyaya baka bukas ay nakatunganga. Sa pag-iipon din kasi mas lalong tumitiwala si Mister, dahil alam niyang hindi napupunta sa wala ang kanyang mga pinaghirapan.