May mga bansa kung saan naging pabor ang anumang uri ng population control, dito sa Pilipinas halos iilan lamang ang nagpaplano ng tama para sa Pamilya nila.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang maraming populasyon at mas pino-promote pa ng simbahan ang natural na pamamaraan ng family planning na kadalasan ay hindi naman naging tama ang pagsagawa nito.
Ngunit sa ibang bansa katulad ng Faroe Islands sa Denmark, sila ay naghahanap naman ng mga residente dahil sa pagbaba ng bilang ng kanilang populasyon lalo na ang mga kababaihan.
Kahit na sila ay nasa 50,000 na populasyon, mas bumaba pa ang mga tao sa Faroe Islands.
Ayon pa sa relatable.net:
Kulang sila ng 4% ng kababaihan. Marami na rin sa kanila ang nagnanais na makapag-asawa ngunit dahil nga kakaunti lamang ang kanilang kababaihan, wala rin silang magawa. Ngunit dahil sa pagbabago ng teknolohiya, natuto silang gumamit ng mga dating apps at ang karaniwang hanap nila ay ang mga babaeng taga Asya. Ang iba nama’y naghahanap sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigang may kasintahang Asyana.
Patunay rito ang 300 na mga kababaihan mula sa Asya na lumipat sa Faroe Island upang tumira kasama ng kanilang kasintahan na nakilala nila sa dating sites. Sa katunayan, ang grupo nilang mga taga Asya ay siya nang pinakamalaking ethnic minority sa 18 isla.
May malaking katanungan kung bakit nga ba bumaba ang bilang ng populasyon sa Faroe?
Ito daw ay dahil sa paglipat ng karamihan sa ibang bansa bunsod ng paghahanap ng trabaho at makamit ang mataas na edukasyon. Hindi na rin daw sila bumabalik ayon kay Axxel,Johannesen,Prime Minister.
Bagama’t bawat bansa ay may kakaibang kultura at klima, hindi naman ito alintana ng ating kababayang si Antonette Egholm.
Ayon sa kaniyang pahayag kay Tim Ecott ng BBC, palakaibigan raw ang mga tao sa Faroe Islands. Hindi raw katulad sa Pilipinas na talamak raw ang krimen at matindi ang traffic, maaari mo raw iwang hindi nakakandado ang bahay mo sa Faroe Islands. Maliban pa diyan, natuwa rin siya sa maayos na sistema ng kanilang serbisyong medical at ang kalidad ng kanilang edukasyon.
Ayon naman sa kaniyang asawang si Regin, hindi raw dapat katakutan ang sari-saring uri bagkus ay yakapin ito. Sa katunayan nga raw, talagang nangangailangan sila ng mga bagong tao sa kanilang isla.
“We actually need fresh blood here. I like seeing so many children now who have mixed parentage. Our gene pool is very restricted, and it’s got to be a good thing that we welcome outsiders who can have families.”
Kung Single ka? Baka ito na ang tiyansa mong makatira sa Europa.